Sapphire Levioza's POV
"Oh bakit parang natahimik ka? Para ka nang kamatis oh" Nabalik ako sa ulirat at napahawak sa pisngi ko medjo napahiya ako dun ah "U-umalis kana nga!" Tumawa lamang ito kaya inis ko siyang tinignan "No, hindi kita puwedeng iwan kapag napahamak ka hindi ko kakayanin" gustuhin ko man na matuwa sa sinasabi nya pero ayako bakit? Alam ko na babaero siya bakit ako mag-aaksaya ng panahong mahulog sa mga matatamis niyang salita kung una pa lamang ay alam ko nang maraming puso na ang sinaktan nah. "Oh saan ka pupunta?" Iwinaksi ko ang kamay nya na nakahawak saakin "Uuwi na" walang emosyon kong sabi dito bago lumabas ubos ko nanaman ang sisig na binili ko kaya madali na sakin ang makauwi.
"Sapphire sandali lang!" Hindi pa ako nakakalayo ng hawakan nitong muli ang mga kamay ko "Uuwi na ako ano ba bumitiw ka nga!" Pilit kong kinakalas ang braso ko mula sa pagkakahawak niya, halos lahat ay gawin ko na maalis lang ito pero hindi ko kaya masyadong mahigpit ang pagkakahawak nya at nasasaktan na ako "Bitiwan mo ako masakit na!" Kaagad naman siyang bumitaw saakin bago nagsalita "Ihahatid na kita" kaagad akong umiling "Huwag na kaya ko na ang mag-isa" ngunit talagang mapilit ito kaya sa huli ay napilit niya din ako.
Tahimik kaming naglalakad habang tinatahak ang direksyon pauwi "Dito na lang ako salamat sa paghatid" Ani ko dito ng makarating kami sa tapat ng bahay namin "Bye" papasok na sana ako ng biglang magsalita muli ito "Hindi mo manlang ba ako aalukin ng tubig?" Bumuntong hininga ako bago humarap sakanya at pilit ngumiti "Pasok ka" ngumiti ito ng nakakaloko bago pumasok kasunod ko.
"Ano ang gusto mo? Kape? Juice? Or Tubig?" Nag-isip muna ito bago nagsalita "Ikaw" napairap na lamang ako sa hangin "Hindi ako available kaya pumili ka na ng iba" inuubos nito ang pasensya ko "Kape na lang" kaagad akong pumunta sa kusina at kaagad itong ipinagtimpla ng kape.
"Here" iniabot ko na sakanya ang Kape at kaagad naman niya itong tinanggap akmang aakyat na sana ako sa taas ng tawagin ako nito "Saan ka pupunta?" Hinarap ko ito "Matutulog na dahil 11 na ng hating gabi at may pasok pa ako bukas" akmang itutuloy ko na ang pag-akyat ng lumabas ng pinto si Papa "Oh Aaron naandito kana pala, dito kana matulog gabing-gabi na delikado na sa labas. Ikaw sapphira ayusin mo ang higaan mo magtabi na muna kayong dalawa" Ani papa bago pumunta sa kusina napatampal na lamang ako sa aking noo dahil sa nangyayari tumingin akl kay Aaron na nakangisi ngayon saakin.
Magtatabi kami ngayong gabi.
BINABASA MO ANG
SAPPHIRE LEVIOZA (THE GIRL WHO HATE'S LOVE)
RastgeleSapphire Levioza a 17 yrs old teenager who hate's love. Aaron Enrile a 23 yrs old business man, at the young age ay ipinamana na kaagad sakanya ang kanilang kumpanya, he's a playboy, habulin dahil sa makisig nyang katawan at marangyang buhay Paano...