CHAPTER 13

6 2 0
                                    

Sapphire Levioza's POV

It's been a month since that incident happened and hindi ko na din nakita si Aaron, kumuha ulit ako ng exam at mabuti na lamang at pumayag yung prof ko. Nakapasa din ako dito! Nung araw na umuwi ako saamin ay tuwang-tuwa ang mga magulang ko, ikinuwento ko sakanila lahat ng nangyari, nag-alala daw sila, halos buong lugar saamin ay pinuntahan nila mahanap lang ako.

"Namiss kita" bungad kaagad saakin ni Haze ng bumalik ako matapos lahat yun, kahit papaano ay namiss ko din sila ni Stephanie.

Naandito kami ngayon sa Cafeteria at nakain, si Stephanie? Ayun, kasama yung iba niyang kaibigan. Napapansin ko din na parang lumalayo na ang loob niya saakin at medyo nasasaktan ako doon.

"Sapphire nanonood ka ba ng television?" Lumingon naman ako sakanya at umiling "wala akong time besides may mga ginagawa ako like assignments and whatever" sagot ko dito "bakit pala" umiling naman ito "Nothing Important, may babae kasing hinahanap yung mayamang lalaki and baka lang kilala mo" tumango nalang ako, wala akong interesado hanapin ang hinahanap ng kung sino man ang lalaking iyon, marami akong ginagawa no!

"Haze may itatanong pala ako" naalala ko kasi bigla yung babaeng ang pangalan ay Hazel HAHAHAHAH "Ano yun?" Humihinga muna ako ng malalim bago nagsalita "May kapatid ka ba?" Tumango naman ito omg baka yung hazel! "May kapatid akong babae bakit?" Umiling naman ako "Anong pangalan?" Lumunok muna ito ng kinakain bago nagsalita ulit "Hazel Luvien" muntik ko nang maibuga ang iniinom ko ng dahil sa narinig "Pwede patingin ng picture niya?" Tumango naman ito bago kinuha ang cellphone niya.

"Here" gumaan naman ang pakiramdam ko ng makita na ibang babae ang nasa picture at kamuka niya talaga "Full name niya yung Hazel Luvien?" Umiling ito "Her Real name is Haziana Luvien" napa 'wow' naman ako "Ang ganda ng pangalan niya pero bakit Hazel ang sinabi mo?" Tumawa naman ito "She didn't like her name kaya mas gusto niyang Hazel ang tinatawag sakanya, feeling niya kasi makaluma ang pangalan niya" makaluma? Eh parang ang unique nga ng pangalan niya sa panahon ngayon eh! Hindi tulad ng saakin Sapphire hindi unique.

"Tapusin nanatin kumain para makabalik na tayo" ani ko dito tumango naman ito bago kumain

Matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa classroom namin. At tulad ng dati, kami pa lang ang nandito. Mamaya pa naman kasi ang tapos ng lunch eh! Sadyang napaaga lamang kami.

Naupos na kami sa upuan namin

"Haze tara pumunta sa parke mamaya!" Yaya ko kay haze, maaga naman ang uwian namin mamaya dahil nga sa May meeting lahat ng teachers "Sige ba!" Natuwa naman ako kaagad at niyakap siya, namiss ko din kasing gumala kasama ito!

Maya-maya pa ay dumating na silang lahat at ang prof namin.

Natapos ang klase namin kaya naman pumunta na kami sa parke.

Nagpaalam muna ako kay Kuya sa text na baka alas-sais na ako maka uwi dahil pupunta kami sa parke nitong si Haze, pumayag naman kaagad ito.

Nakaupo kami sa may bermuda grass habang nakatingin sa magagandang halaman at mga batang naglalaro. Masarap din ang simoy ng hangin kaya ang sarap sa feeling.

"Ang ganda dito!" Natutuwang sabi ko kay Haze "Sobra!" Nakangiti din nitong sagot.

Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng gutom "Nagugutom nako" tumawa naman ito kaya inirapan ko siya.

Lumingon ako sa paligid at saktong may nagtitinda ng nga kwek-kwek doon sa isang tabi at kung ano-ano pa..

"Haze nakain ka nung isaw kwek-kwek fishball? Basta street foods!" Tumango naman ito.

Ibang klase, mayaman siya pero ganoon siya!

Hinila ko kaagad siya sa nagbebenta af bumili

"Manong tatlong kwek-kwek po tapos anim na bituka ng manok at isang gulaman!" Nakangiti kong sabi kay Manong "40 lahat ineng!" Iniabot ko sakanya ang dalawang bente bago kinuha ang binili ko.

Humanap ako ng mauupuan dahil may mga lamesa at upuan din dito at saktong may bakante doon sa tabi ng mga nagtitinda.

"Ah saakin po dalawang kwek-kwek at apat na dugo!" Pagsasabi ni Haze sa nagtitinda "36 lahat iho!" Iniabot nito ang singkwenta kay manong at sinabing "Sa inyo na ho ang sukli manong" nagpasalamat naman sakanga si manong bago kinuha ang binili niya.

Pumunta na siya sa uupuan namin at nagsimulang kumain.

SAPPHIRE LEVIOZA (THE GIRL WHO HATE'S LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon