CHAPTER 14

5 2 0
                                    

Sapphire Levioza's POV

"Hindi ko naman alam na mahilig ka pla sa nga ganiyan" napangiti naman si Haze sa sinabi ko "Alam mo Sapphire hindi porket na ganito ang estado ko sa buhay ay hindi na ako kumakain ng mga ganito" Tama siya hindi lahat ng mga nasa ganiyan estado ay hindi kumakain ng nga mumurahing pagkain.

"Haze dala mo cellphone mo?" Tanong ko dito na lowbat kasi ang saakin eh tumango naman ito "Tara! Picture tayo!" Ngumiti naman ito bago kinuha ang cellphone niya.

Kung saan-saan kami nag picture bago kami natapos

"Isend mo saakin iyan mamaya ha!" Tumango naman ito "Teka ano palang oras na?" Tinignan naman niya ang relo niya "It's already 5:45 tara na baka mapagalitan ka nanaman" pumunta na kami sa sasakyan niya at inihatid ako sa bahay namin.

"Salamat Haze! Ingat ka!" Ngumiti naman ito bago pinaandar paalis ang sinasakyan niya.

Eksaktong alas-sais ng makauwi ako at as always si Kuya ang sasalubong saakin dahil paniguradong nagluluto na si Mama ng hapunan "Did you enjoy it?" Ngumiti naman ako at tumango "Opo!" Ginulo naman niya ang buhok ko bago ako umakyat.

Naglinis na ako ng katawan at nagpalit ng damit.

Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Haze may number naman iyon saakin...

Hindi naman nagtagal ang pag uusap namin, pinasend ko lang sakanya yung mga pictures namin kanina.

Maya-maya pa ay biglang nag notif si Facebook saakin

Haze Luvien Tag You In A Post;

Kaagad kong tinignan ang post na yun at napangiti naman ako ng ito yung mga pictures namin kanina with a caption na

-Having you is the best!

Samu't saring komento ang aking mga nakita, marami din ang nag react at nag congrats natatawa naman ako kasi ang iniisip siguro nila na may namamagitan saamin dahil ang sweet namin sa pictures at yung caption.

"Sapphire halika na!" Tawag saakin ni Kuya mula sa labas ng pinto. Ibinaba ko na ang cellphone ko at bumaba para kumain.

Matapos kong kumain ay umakyat na ulit ako para pag aralan yung mga notes na isinulat ko kanina.

Minsan nading may nagtanong saakin noon kung may balak ba akong mag boyfriend and sinagot ko siya ng 'wala akong oras para diyan' Tinanong yun sakin ng kaibigan ko noong G8 palang ako.. ang bata pa namin noon tapos ayun ang tinanong niya palibhasa may boyfriend siya that time.

Hindi naman ako naiingit sa mga may lovelife diyan, saka na ako mag bo-boyfriend para walang sagabal sa pag-aaral ko. Gusto ko kasing magtapos para makakuha ng magandang trabaho at makapagpatayo ng magandang bahay. Gusto ko ding mag travel kasama sina Mama,Papa at Kuya sa ibang bansa gaya ng america.

At kapag nagawa ko na ang mga iyon ay saka na ako bubuo ng sarili kong pamilya

And that's my goal

SAPPHIRE LEVIOZA (THE GIRL WHO HATE'S LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon