Sapphire Levioza's P. O. V
"Ang ingay mo!" pabulong kong sigaw sa tukmol kong katabi na napakahimbing ng tulog at panay ang hilig. Kanina padin ako nagtatakip ng tainga at halos yata lahat ng paraan para lang hindi marinig ang ingay na nagmumula sa bunganga nito ay nagawa ko na.
Inis akong tumayo at kinuha ang unan ko at kumot matapos nun ay lumabas na ako ng kuwarto ko, pumunta ako sa sala at nahiga sa sofa, dito ako matutulog.
Inayos ko na ang unan at naglagay ng kumot bago ipikit ang mga mata. At least dito tahimik makakatulog ako ng mahimbing.
'Bakit ang lambot yata ng sofa I mean oo malambot nga ito pero iba mas malambot' pagsasalita ko sa isip ko. Patuloy parin ako sa pagkapa ng hinihigaan ko dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko medyo malabo pa ang paningin ko dahil nadin siguro sa muta hehe. Unti-unti ko nang naaaninag ang kisame... KO?! Napabalikwas ako ng bangon hanggang sa mapagtanto ko na andito nga ako sa kuwarto ko. "At sinong hangal ang naglagay sakin dito?" kahit alam ko na walang sasagot ay nagpatuloy parin ako sa pagdadaldal ngunit dun ako nagkakamali dahil "Will you please just shut up? Ang ingay ingay mo napakaaga pa" pilit kong hinanap ang pinanggagalingan ng boses na iyon hanggang sa napasilip ako sa ilalim ng kama ko... At doon nakita ko si Aaron na kinukusot ang mga mata at tila bagong gising "at bakit ka nandyan?" tanong ko dito "concern yan?" inirapan ko ito bago nagsalita "masama ba magtanong?" sarcastic kong sabi "Medjo oo na hindi" napa face palm nalang ako sa sagot nito bago tumayo "Oh? Saan ka pupunta?" narinig kong tanong nito hindi nalang ako sumagot at kaagad na pumasok sa C.R. Isinara ko kaagad ang pinto dahil nakita ko ang pagbabadya nitong tumayo, napasandal nalamang ako sa pinto ng banyo bago bumuntong hininga. Kung bakit ba kasi sa dinami dami ng lalaki sakanya pa.
Naghilamos at nagsipilyo na ako bago lumabas, kaagad ko itong hinanap at nanlaki ang mata ko ng makitang tinitignan nya ang laman ng cabinet ko. Tinakbo ko ang direksyon nya at kaagad na isinara ang Cabinet thank god at wala doon ang mga undergarments ko dahil kung nagkataon na naandon nga ay sigurado akong namumula na ako sa kahihiyan.
"Bakit mo ba tinitignan ang laman ng Cabinet ko?" nakita ko naman ang pagngisi nito "Para namang hindi ko din makikita yan" inis ko siyang tinignan at nakita ko naman ang pagtigil nito sa pagtawa "Manahimik ka nalang dyan para matuwa ako sayo" inayos ko ang pagkakasara ng Cabinet at inayos ang kama, nahagip ng mata ko na papunta ito sa banyo. Itinuloy ko nalang ang pag aayos tsaka bumaba.
Nung bumaba ako ay wala akong nakita ni-bakas ng mga magulang ko kahit si kuya ay hindi ko din nakita. Pumunta ako sa may refrigerator at akmang bubuksan ko na ito ng may makita akong note na nakadikit dito. Kinuha ko ang note at binasa
"umalis muna kami saglit pero babalik din kami mamayang gabi, enjoy the food I prepared for the both of you lil sis iloveyou :-)
- Kuya"
Hinanap ko ang pagkaing inihanda ni Kuya at nakita ko ito sa tabi ng lababo, malinis naman ang lababo namin tinakluban ni Kuya ang pagkain para maka sigurado. Kumuha ako ng gatas at pagkain at nagsimulang kainin ito.
Napatingin ako sa kabababa palang na si Aaron napansin kong namumula ito kaya diko maiwasang hindi magtanong "oh bakit ka namumula?" hindi itk sumagot bagkus at kumuha ng pagkain at sinabayan akong kumain. Matapos kong kumain ay inilagay ko na ito sa lababo, mamaya ko na liligpitin ito. Umakyat ako sa taas at naghanap ng maisusuot na damit, kumuha ako ng maayos na pambahay bago pumasok sa banyo.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang panty at bra ko na nakasampay ngayon alam ko na kung bakit namumula si Aaron. Jusko malaking kahihiyan ito pilit kong pinakalma ang sarili ko at inayos ang nakasampay na bra at panty ko.
Hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap sakanya matapos nito.
BINABASA MO ANG
SAPPHIRE LEVIOZA (THE GIRL WHO HATE'S LOVE)
RandomSapphire Levioza a 17 yrs old teenager who hate's love. Aaron Enrile a 23 yrs old business man, at the young age ay ipinamana na kaagad sakanya ang kanilang kumpanya, he's a playboy, habulin dahil sa makisig nyang katawan at marangyang buhay Paano...