CHAPTER 2

45 3 0
                                    

Sapphire Levioza's POV

Nakaupo ako ngayon dito sa tapat ng study table ko habang tinatapos lahat ng assignments at nag rereview para nadin bukas in-case na may quiz kami. Maganda na ang handa kaysa ang hindi diba?.

Mahirap hirap nadin ang itinuturo saamin ngayon lalo na at nalalapit na ang aming unang pagsusulit, nawawalan nadin ako ng oras sa pagbubukas ng social media kaya hindi na ako nagiging updated sa mga nangyagari.

Matapos ko gawin lahat ay inayos ko na ang nga ito tsaka nahiga sa aking mumunting kama na sakto lang para saakin. Pinatay ko na ang ilaw at tsaka natulog.

"Sapphire, gumising kana para makakain kana at hindi ma late" boses pa lamang ay halatang si Kuya na ito "sige po" naramdaman ko na umalis na ito kaya't bumangon na ako at naligo.

Nakasuot ako ngayon ng amin uniporme maganda din naman ang aming uniporme, halatang pang mayaman. Nagsuklay na ako ng aking buhok na aabot hanggang sa aking bewang, at naglagay ng kaunting pabango tsaka lipbalm para hindi magmukang tuyot ang aking mga labi. Mahirap na baka isipin napapabayaan ko na ang aking sarili.

Kinuha ko na ang aking bag at tsaka bumaba, naabutan ko naman silng nakaupo na at handa nang kumain "Goodmorning po" bati ko sakanila, sinuklian naman nila ako ng isang ngiti, napaka swerte ko sakanila. Nagsimula na kaming kumain at nang matapos na kami ay inabutan naman ako ni mama at papa ng 300 ganon kalaki ang baon ko incase daw na may project kami, iniipon ko ang 200 sa baon ko para naman makabili ako ng gusto ko.

Sumakay na ako sa aming kotse at inihatid ni kuya sa school, mayroon kaming kotse pero tuwing umaga lamang ako nagpapahatid, mas gusto ko kasi na magsakay pauwi, aware naman silang lahat na may kaya lamang ako pero ayako naman kasi na palagi ako hinahatid gamit ang kotse namin.

Pumasok na kaagad ako sa classroom namin at hinintay ang prof. May kaibigan naman ako kaso konti lang, madadatnan mo rin kasi sa classroom namin ang mga kaklase ko na puro pagpapaganda at pagpapagwapo lamang ang alam. Mga nagkakapalan ang make up sa kanilang mga mukha at kaiikli ng kanilang mga palda, isama mo pa na bukas ung butones ng kanilang uniporme na kulang nalamang eh sumayaw sa club, sino banaman ang matinong estudyante ang magsusuot ng ganoon sa paaralan hindi ba?

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang prof namin "get ready class we have a quiz today" napa singhap naman ang mga kaklase ko at halatang naiirita see? Tama ako may quiz kami ngayong araw.

Inilabas ko na ang ballpen ko libro para pagpatungan ng ibibigay nyang papel para sa quiz at inihanda nadin ang correction tape. Buti nalamang at nag review ako kagabi hindi sa nag eexpect ako na mataas ang makukuha kong marka pero sana nga mataas ang makuha ko, ayako naman na masayang yung pinaghirapan ko na i review kagabi.

Matapos ang quiz namin ay nakahinga naako ng maluwag mahigit 50 din kasi ang mga pinasagutan saamin at napakahihirap pa, buti nalamang at nasakop ito ng mga ni review ko atleast may nasagot ako kanina.

SAPPHIRE LEVIOZA (THE GIRL WHO HATE'S LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon