Sapphire Levioza's POV
Maaga akong gumising ngayon pasado alas-singko ako gumising para makapag ayos kaagad ng mga gamit at mamalantsa ng aking isusuot na uniporme. Ako nadin ang nagluto ng kakainin namin nina Mama, nauna nadin akong kumain nago naligo. Tulog pa kasi sila at ayako naman na gisingin pa.
Matapos ko maligo ay nagbihis na ako ng uniporme bago nag suklay, kinuha ko din ang isang pamuyod para mamaya. Kinuha ko na ang mga gamit ko bago lumabas.
Tahimik akong naglalakad sa subdivision namin 5:33 palang kasi ng umaga at napakabilis nga ng kilos ko. Pupunta ako ngayon sa sakayan ng dyip, malayo layo ito mula saamin ngunit kaya namang lakarin.
Kinuha ko muna ang cellphone ko at nagpatugtog bago isinuot ang headset ko
(Now playing; Dandelions by; Ruth B)
Kasabay ng pag 'humm' ko sa kanta ay nararamdaman ko din ang simoy ng hangin, wala naman masyadong sasakyan dito kaya pumikit muna ako
patuloy lang ako sa pagsabay sa kanta ng sa hindi malamang dahilan ay may bumisina sa likod ko, napalingon ako dito at laking gulat ko ng motor ito.
Pilit akong gumagalaw para humakbang ngunit tila ba nanigas ako sa aking kinatatayuan
Tulungan nyo ako....
And after that naramdaman ko na lang ang sarili ko na para bang tumalsik bago mawalan ng malay..
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kuwarto, puro puti ito, ililibot ko pa sana ang ulo ko ng maramdaman ko na sumakit ito, ganon nadin ang katawan ko.
Akmang iaangat ko ang kamay ko ng sumakit din ito
Napalingon naman ako sa gilid ko kahit na sumasakit ang ulo ko
Mga aparato ito.
Nilingon ko naman ang kamay ko
Dextrose...
Biglang bumukas ang pintuan, kahit nahihirapan ay hinarap ko ito.
Isa siyang lalaki na parang pamilyar saakin.
Napansin ko na kung ikukumpara para isang kuwarto sa ospital ay mas malaki itong kuwarto na ito.
"So gising kana" ani ng lalaki sa seryosong mukha "akala ko namatay kana tanga-tanga kasi" aba't gago ito ah!
Gustuhin ko mang magsalita pero hindi ko maigalaw ang bibig ko, ngayon ko lang napansin na may oxygen pala ito at sa ulo ko naman ay may nakabalot.
"Wala kang malay for almost 3days and sa tingin ko hinahanap ka na ng pamilya mo" walang emosyon ulit nitong sabi
Pilit akong tumayo pero "a-aray" biglang sumakit ang likuran ko
Kaagad namang lumapit saakin yung lalaki na kinakausap ako kanina at inalalayan akong umupo
"You know what? Kung magpapakamatay ka huwag kang mandamay! Akala ko napatay na kita dahil diyan sa katangahan mo!" Inis ko siyang nilingon ng sumakit ulit ang ulo ko wala akong pakialam kung sumakit man ito basta gusto ko kalabanin ang lalaking ito na ubod ng yabang
"At sino ba kasi ang tanga na magpapatakbo ng motor sa subdivision at napakabilis pa ha?" Kahit na medyo paos ako dahil sa tatlong araw na nakahiga lang at tulog ay nakaya ko naman
"At sino ba kasi ang tanga na hindi lumiko eh alam na may naglalakad sa unahan sige nga!" Natahimik naman siya sa sinabi ko "Tsk" ani nito bago lumabas
Talo ka pala eh.
BINABASA MO ANG
SAPPHIRE LEVIOZA (THE GIRL WHO HATE'S LOVE)
RandomSapphire Levioza a 17 yrs old teenager who hate's love. Aaron Enrile a 23 yrs old business man, at the young age ay ipinamana na kaagad sakanya ang kanilang kumpanya, he's a playboy, habulin dahil sa makisig nyang katawan at marangyang buhay Paano...