Sapphire Levioza's POV
Napabalikwas naman ako ng bangon ng maalala ang exam.
Kahit na nanghihina ay tinanggal ko lahat ng nakakabit saakin at tumayo pero natumba ako.
Napaluha nalang ako dahil sa sobrang sakit ng katawan ko.
Humawak ako sa higaan at dahan-dahang tumayo pero bigo.
Hinang hina talaga ako.
Bigla namang pumasok ang lalaking kasagutan ko kanina at itinayo ako para paupuin sa higaan.
"Eh kung magpagaling ka kaya muna noh?" Sarcastic na ani nito saakin gustuhin ko mang sagutin siya pero ayaw tumigil ng mata ko sa pagluha
May pumasok bigla na nurse at doctor para ikabit ulit saakin ang mga tinanggal ko. Partida Dextrose lang yun pero ang sakit.
Matapos yun ay iniwan na nila kaming dalawa.
Katahimikan. Oo yan lecheng katahimikan nanaman na iyan ang nangyayari pero saaming dalawa naman ng mayabang na ito
"Where am I?" Basag ko sa katahimikan dahil base sa akin, hindi lang ito basta ospital "At my home" nanlaki naman bigla ang mga mata ko
Sheteng pinakbet? Bahay!? Ang laki!? Kuwarto palang na ganito kalaki halatang malaki ang bahay nito!
"Oh? Bakit natahimik ka diyan?" Bumalik naman ako sa ulirat ng magsalita ito "Wala lang" nilingon ko ito at
Ooo lala may kape ba kayo? Char
Maitsura ito, matangkad at may muscles.
"Yang bibig mo papasukin na ng langaw" bahagya naman akong nagulat. Hindi naman ako nakanganga ah! Humagalpak naman ito ng tawa. Napahiya ako dun ah.
Ilang pandesal kaya meron ito? Anim kaya? O walo?
Ay ano ba iyan! Ano bang iniisip ko!
Umirap nalang ako bago nahiga ulit
Maya maya pa ay biglang may pumasok na kasambahay siguro ito habang dala-dala ang isang tray ng pagkain
Inilapag niya ito sa harap ko sa ibabaw ng isang maliit na lamesa.
"Gagawin dito?" Napa 'tsk' naman ulit ito "Are you stupid? Of course kakainin!" Nagtatanong lang naman tsk.
Kumuha ako ng kutsara at kumain.
Matapos kong kumain ay pilit ko itong binubuhat para ibaba, napansin naman ito ng lalaki at kaagad na tumawag ng kasambahay para kuhanin
"What's your name?" Tanong nito saakin "Sapphire" kumunot naman ang noo nito "Sapphire--?" Sa tingin ko ay tinatanong nito ang apelyido ko pero parang hindi naman.
"Eh ikaw? Ano ang pangalan mo?" Tanong ko sakanya "Aaron Enrile" napa 'ahh' naman ako dito
"Sir!" May kasambahay na pumasok sa loob at halatang hinihingal at kabadong-kabado ano bayan kahit ako kinakabahan sa gustong sabihin nito
"Hmm?" Prenteng sabi ni Aaron dito "Si M-Ms.Hazel po nasa labas! Nagwawala po siya dun" kabadong-kabado talaga siya sa sinasabi nya "and?" parang walang pakialaman itong si Aaron sa sinasabi ng babae "P-pati po kasi si M-Ms.Maica, nag aaway po silang dalawa dun" kaagad nanlaki ang mga mata ni Aaron at dali-daling lumabas "Uhh? Anong meron po sakanila?" Tanong ko sa kasambahay niya "May pagka playboy po kasi si Sir, sanay na po kami sakanya" tumango naman ako, umalis na ito at isinara ang pinto.
Ahh so playboy pala ang kumag na ito.
Napagpasyahan ko na matulog nalang muna dahil narin sa pagka bagot.
Nagising nalang ako ng biglang may sumampal saakin. Ano ba yan! Nagpapahinga nga yung katawan ko dahil sa pagkaka bangga saakin nung kumag na Aaron na iyon tapos sasampalin ako?!
"Hoy babae! Ikaw siguro ang bagong babae ng boyfriend ko no?! Ang landi mo!" Galit nitong sabi saakin bago ako itinulak.
Bumagsak ako sa sahig at napaluha nanaman dahil sa sakit ng katawan ko, mabuti nalang at hindi nabali ang karayom sa dextrose na nakakabit saakin.
Akmang sasampalin ulit ako nito ng dumating si Aaron "Hazel ano ba!" Lumingon naman dito yung Hazel daw na napaka kapal ng make up
"So ipinagtatanggol mo pa ang babae mo?! Magsama kayo!" Inis nitong sabi "ano ba ha! nabangga ko siya kaya siya andito! umalis kana dito hazel bago pa magdilim ang paningin ko sayo! At isa pa HINDING-HINDI AKO PUMAPATOL SA KAGAYA MO! DONT ASSUME NA GIRLFRIEND KITA!" Mangiyak-ngiyak na lumabas yung Hazel sa kuwarto okay. Masakit naman talaga masabihan ng ganon.
Kaagad na lumapit saakin si Aaron at inalalayan akong tumayo "I'm sorry if nadamay ka pa" Pag hingi niya ng tawad tumango nalang ako dahil iniinda ko parin ang sakit ng katawan ko.
"Magaling nanaman siguro ako bukas, uuwi na ako bukas" ani ko dito "Ang sabi ng doctor isang Linggo pa bago ka gumaling" umiling naman ako "Minsan mali ang mga doctor" natameme naman siya sa sinabi ko, "lumabas kana matutulog na ako" tumango naman ito bago lumabas.
He's Aaron Enrile Certified Playboy
BINABASA MO ANG
SAPPHIRE LEVIOZA (THE GIRL WHO HATE'S LOVE)
RandomSapphire Levioza a 17 yrs old teenager who hate's love. Aaron Enrile a 23 yrs old business man, at the young age ay ipinamana na kaagad sakanya ang kanilang kumpanya, he's a playboy, habulin dahil sa makisig nyang katawan at marangyang buhay Paano...