Sapphire Levioza's POV
"Hey" hindi ko na lamang pinansin si Haze na kanina pa ako kinukulit, nagtuturo na kasi ang prof at ayako naman na mapagalitan ako.
"Psst" tawag parin ng tawag si Haze hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit pero nakakainis na! "Sapphire!" Hindi ko na napigilan kaya naman hinarap ko na ito "bakit ba?" Pabulong lamang ang pagsisigawan namin dahil baka mahuli kami ng prof sa unahan
"Wala lang" mas lalo akong nainis ng sabihin nyang wala lang tanga ba sya? Okay sapphire kalma gago lamang iyan kumalma ka.
Hindi ko na lamang sya pinansin at muling binaling ang tingin sa prof naming nagtuturo.
"Arghh bakit ba kasi??" Irita kong tanong kay Haze, lunch time na at nandito parin ako sa room at inaayos ang mga gamit ko, pero itong si Haze ay wala yatang planong tigilan ako
"I just want you to be my friend" mapanglokong sabi nito bumuntong hininga ako ng napakalalim bago sya muling harapin
"Okay friends na tayo, now labas na" pagtataboy ko dito, parang bata naman syang sumunod at lumabas na phew ayos nadin
Matapos kong ayusin ang gamit ko ay lumabas nadin ako para pumunta sa canteen.
"Isa nga po ng kanin at sinigang" ani ko sa tindera sabay abot ng trenta pesos. Libre nanaman ang tubig, naupo na ako sa isang bakanteng upuan at sinimulang kumain.
"Can I join you?" Napatigil ako sa pagkain at kaagad na nilingon ang nagsalita bumuntong hininga nalamang ako ng makitang si Haze ito, wala na akong iba pang nagawa ng umupo ito sa garap ko. Kinuha ko ang libro at nagsimulang mag review, baka kasi may quiz kami mamaya, hindi din sumabay sakin si Stephanie siguro ay busy iyon sa iba pa niyang kaibigan.
"Sa pagkakaalam ko wala namang nabanggit si prof na may quiz tayo kaya bakit ka nag re-review diyan?" Napalingon naman ako kay Haze na nakatingin pala saakin "mind ur own business Haze" nakita ko namang ngumiti ito "I'm just concern kasi naman look tatlong subo pa lamang ang nagagawa mo, pwede ka magkasakit niyan" bakas sa tono ng boses niya na concern at nag-aalala nga siya "but-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng inagaw niya sakin ang libro na hawak hawak ko "kumain kana muna sapphire" wala na akong nagawa pa dahil talagang makulit ang isang ito
"Oh tapos ka na hindi ba? ngayon mo gawin ang ginagawa mo kanina" ibinalik na niya sakin ang libro ko, ngunit bubuklatin ko pa lang sana ito ng tumunog na ang bell hudyat na kailangan na naming bumalik sa aming mga silid haist wala na akong iba pang nagawa kundi ang tumayo na lang at bumalik sa classroom hindi man lang ako nakatapos ng anim na pages.
Nakaupo na kami ngayon habang hinihintay ang prof.
Natapos ang buong klase at uwian na, walang naganap na quiz at mabuti narin iyon "see? wala tayong quiz" Kanina niya pa iyan sinasabi "oo na" tanging isinasagot ko lamang "mauna na ako" sumakay na ako ng tricycle para makauwi madaldal pala itong si Haze
BINABASA MO ANG
SAPPHIRE LEVIOZA (THE GIRL WHO HATE'S LOVE)
De TodoSapphire Levioza a 17 yrs old teenager who hate's love. Aaron Enrile a 23 yrs old business man, at the young age ay ipinamana na kaagad sakanya ang kanilang kumpanya, he's a playboy, habulin dahil sa makisig nyang katawan at marangyang buhay Paano...