Sapphire Levioza's P.OV
Kakatapos lamang ng aming klase kaya napagdesisyunan ko nang umuwi sumakay ako ng tricycle papunta sa subdivision na aming tinitirahan hindi naman ako mahirap. May kaya ang mga magulang ko kaya napag aral nila ako sa isang napakagandang paaralan, hindi ko ikinakahiya na may kaya lamang kami, ang mahalaga nakakapag aral ako. Hindi tulad ng mga kaklase ko na puro pagpapaganda lamang ang alam.
Narating ko na ang subdivision na aming tinitirahan at kaagad na nagabot ng 50 pesos sa driver ng tricycle. Tama lang naman ang laki ng bahay naman, dalawa ang palapag at napakalinis ng labas maging sa loob wala kang makikitang kalat. Wala kaming katulong sadyang masipag lamang ang aming pamilya. Pagpasok ko sa loob at kaagad akong sinalubong ng aking mga magulang at kaagad na binigyan ng yakap, sanay na ako sakanila dahil ganoon naman palagi ang ginagawa nila sa tuwing uuwi kami ni kuya. Oo may Kuya ako si Kuya Tyron, mabait naman syang kapatid at hindi nagkulang saamin, nag tatrabaho nadin sya sa maliit naming negosyo, siya ang namamahala noon habang sina mama at papa naman ay isang guro sa isang paaralan.
Umakyat na ako sa kuwarto ko upang magpalit ng damit kinuha ko na ang mga aklat ko para gawin ang mga assignments ko, marami rami din ang itinuro saamin ngayon ni prof panigurado na bukas may quiz kami, ganon kasi si prof eh, kapag marami syang tinuturo ibig sabihin may quiz na magaganap.
"Sapphire" pagtawag saakin ni kuya sa labas ng pintuan ko "pasok po!" pumasok ito sa kuwarto ko at kaagad akong nilapitan, nakaupo kasi ako ngayon sa tapat ng desk ko isinara ko naman kaagad ang book at notebook ko para naman makausap sya "bakit po?" alam ko na marami sa inyo ang nagtataka kung bakit ako nagamit ng 'po' or 'opo' kay kuya, nakasanayan ko na kasi yun dahil ang turo saakin ni mama at papa ay maging magalang sa lahat ng mas matanda sakin kahit pa kay kuya.
"Kumain na daw tayo, tayo nalang ang hinihintay nila mama at papa sa baba" tumango na lamang ako at tsaka sumunod sakanya pababa.
"Maupo na kayo at kumain na" anyaya saamin nina mama at papa. Simple lang naman ang ulam namin, anim na pirasong hotdog at tortang talong. Paborito ko itong ulam lalo na kapag gabi, mas makakapag isip ako nito mamaya.
Natapos na akong kumain at akmang lalakad na ako papuntang taas ng magsalita si Papa "oh sapphire huwag ka magpakasubsob sa pag aaral mo ha? Kung may hindi ka alam nandiyan lamang kami ng Mama at Kuya mo" tumango naman ako at ngumiti bago pumunta sa itaas
BINABASA MO ANG
SAPPHIRE LEVIOZA (THE GIRL WHO HATE'S LOVE)
CasualeSapphire Levioza a 17 yrs old teenager who hate's love. Aaron Enrile a 23 yrs old business man, at the young age ay ipinamana na kaagad sakanya ang kanilang kumpanya, he's a playboy, habulin dahil sa makisig nyang katawan at marangyang buhay Paano...