CHAPTER 8

15 2 0
                                    

Sapphire Levioza's POV

"Samahan mo na kasi ako" kanina ko pa pinipilit itong si Stephanie na samahan ako bukas  para bumili ng ilang mga gamit dahil konti na lang at mauubos na ang tinta ng mga ballpen ko, isama mo pa yung ilang mga papel at correction tape ko, at ubos nadin yung stock ng pagkain ko sa kuwarto. "May gagawin pa ako bukas sapphire, gustuhin ko man na samahan ka pero wala ako magagawa" bumuntong hininga na lamang ako bago tumango, sabado na bukas at kakatapos lang ng klase namin.

"Oh bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa diyan?" Boses pa lamang alam ko na agad kung sino ito "Wag mo ako kulitin Haze, wag ngayon" patuloy parin ako sa paglalakad ng magsalita ulit ito "Eh ano ba kasi ang dahilan baka makatulong ako" okay ayaw niya tumahimik "Come on Sapphire" isa nalang talaga makakatikim na sakin ito "Sapphire"pigil inis ko siyang hinarap bago nagsalita "Bakit? Makakaya mo ba akong samahan bukas para mamili?" Buong galak naman itong tumango at ngumiti na abot hanggang tainga "Aba syempre naman oo!" ang ini-expect ko na isasagot niya ay hindi dahil galing siya sa mayamang pamilya pero iba wala na akong nagawa pa at siya ang isasama ko para bukas.

"Sapphire gising na" boses palang halatang si Kuya ito "Sapphire" bumangon ns kaagad ako at naupo bago nag unat unat, "may bisita ka sa baba" nanlaki naman kaagad ang mga mata ko "Si Stephanie po ba?" Ngiting ngiti kong tanong, nanlumo naman kaagad ako ng umiling ito "edi sino po?" Imbis na sagutin ako ay lumabas na kaagad ito

#bastos

Kalma selp kuya mo yan.

Nagsuklay ako bago maghilamos at magsipilyo mamaya na ako maliligo, baka naman kasi kapit bahay lang namin iyon.

Kaagad akong bumaba at laking gulat ko ng makita si Haze sa baba "Goodmorning! Kanina pa kita hinihintay 8 na ng umaga oh, baka ma traffic tayo!" Okay? siya nga pala ang isasama ko dali dali akong umakyat at mabilis na naligo bago nagsuot ng t-shirt na puti at may design na Gucci matagal na sakin ito at minsan ko lang isuot. Binili saakin iyon ni mama bilang regalo noong 16th birthday ko at mabuti na lamang at kasya pa saakin. Nagsuot din ako ng maong shorts at nag cycling bago nag medyas at rubber na puti. Hindi ko na itinali ang buhok ko dahil basa pa ito, sinuklay ko na lamang ito at mamaya na itatali.

Nagpabango muns ako bago kinuha ang shoulder bag ko at bumaba.

"Una na po kami Ma,Pa at kuya" hinalikan ko na sila sa pisngi bago lumabas "Sapphire ihahatid ko na kayo" pahabol ni Kuya saakin ng makalabas na kami, akmang sasagot na ako ng magsalita si Haze "hindi na, may sasakyan naman akong dala" magalang nitong ani kay kuya. Ah nalimutan ko mayaman nga pala ang kasama ko.

Pumasok na kami sa sasakyan niya at nag suot ng seatbelt bago niya pinaandar.

"Ano ano ba ang mga bibilhin mo?" Basag niya sa katahimikan "Mga gamit lang" ayako muna magsalita dahil iniisip ko pa kung ililibre ko siya mamaya, nakakahiya naman kasi nagpasama na nga ako sakanya at nakisakay tapos hindi ko manlang siya ililibre

SAPPHIRE LEVIOZA (THE GIRL WHO HATE'S LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon