CHAPTER 6

14 2 0
                                    

Sapphire Levioza's POV

"Eto yung allowance mo for next week" pag aabot saakin ni Mama ng 300pesos. Nandito ako sa kuwarto ko at kakatapos lamang kumain ng biglang pumasok si Mama para iabot saakin ang allowance ko para next week. Nakangiti ko itong tinanggap at tsaka nagpasalamat "salamat po Mama" napangiti naman ito bago lumabas ng pinto

Itinago ko ito sa aking pitaka at kaagad na naupo, kailangan ko mag-aral para sa test namin next week, dahil paniguradong hindi nanaman itinuro saamin ang mga papasagutan kaya naman aaralin ko na. Inilabas ko ang aking mga gamit at tsaka nag umpisa sa pag-aaral.

Alas Diyes na ng gabi at hindi parin ako natatapos, bakas narin ang puyat sa aking mga mata, nakaramdam ako ng gutom kaya naman bumaba ako para kumuha ng makakain.

Nanlumo ako ng makita ang loob ng refrigerator, ni kahit isang tinapay at yogurt wala. Dali dali akong bumalik sa kuwarto ko upang kumuha ng 100 pesos sa ipon ko, plano ko na bumili muna sa 7eleven ng makakain na sasakto sa dala ko na pera.

Lumabas na ako ng bahay at kaagad na naglakad, malayo-layo ang 7eleven saamin, subdivision naman ito kaya walang masamang tao dito, sanay nadin naman ako.

Narating ko ang 7eleven at kaagad na humanap ng makakain, kinuha ko ang isang malaking chichirya na nagkakahalaga ng 28pesos at kumuha nadin ako ng Delight sa refrigerator na nagkakahalaga ng 38 pesos. Inilagay ko kaagad ito sa cashier at nagbayad, may natira pa akong 38 pesos, ihuhulog ko nalang ito sa aking alkansiya.

Dali-dali akong lumabas at naglakad muli pauwi, ngunit hindi pa ako nakakalakad ng mahigit 10 ay may nabangga kaagad ako.

Napaupo ako sa sementong sahig dahilan upang sumakit ang puwetan ko.

"Aray!"kaagad ko namang nilingon ang lapastangang bumangga saakin "hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!"aba at siya pa ang may ganang magalit, kaagad akong tumayo para makita siya ng malapitan at aba lalaki "hoy mister! Ako pa talaga? Eh ikaw nga itong hindi tumitingin sa dinadaanan mo eh!" Akmang magsasalita muli ako ng mauna ito "you know what Ms. Whoever you are, I don't have any time for you, so tawagin mo man akong bastos I don't care! Now get out of my way before I change my mind and take you to the police station" at aba bastos to ah, dinaanan nalang ako nito at binangga ang balikat ko "bastos!" Pahabol ko pa rito ng makalayo ito "panira!" Nagmamadali akong lumakad pauwi at isinara ang pinto bago umakyat sa kuwarto ko "wala siyang respeto sa mga babae! Kalalaking tao! Aba!" Inilabas ko na ang mga pinamili ko at kumain habang nagbabasa.

Matapos ang ilang oras na pag-aaral ay nakaramdam na ako ng antok, kaya naman nawalan na ako ng oras para ayusin ang mga gamit ko at mga kalat, nahiga na lamang ako at natulog.

SAPPHIRE LEVIOZA (THE GIRL WHO HATE'S LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon