Sapphire Levioza's POV
"Still here?" Napalingon naman ako sa tabi ko at laking gulat ko ng makita ko si Haze
"Inaayos ko pa ang mga gamit ko, ikaw ba? Bakit naandito ka pa?" Ipinagpatuloy ko ang pag aayos ng aking mga gamit "I forgot my tumbler" ani nya na iknakunot ng noo ko, tumbler? Eh wala naman akong nakitang tumbler doon kanina ah. Gusto ko sanang itanong iyon pero nakaalis na sya. Ang bilis nya naman.
Kinuha ko na ang bag ko at kaagad na lumabas ng school, dumiretso na ako sa sakayan ng tricycle at sumakay sa isa para makauwi.
Bumaba na ako at kaagad na pumasok sa loob, kaagad akong sinalubong ng aking mga magulang tsaka umakyat sa aking kuwarto.
Naglinis na ako ng katawan bago nahiga, napabuntong hininga na lang ako ng maalala ko na may takdang aralin kami sa math kaya naman tumayo akong muli para kuhanin ito sa bag ko at simulan na.
"Can I come in?" Boses pa lamang ay halatang si Kuya na ito "opo" kaagad namang bumukas ang pinto at kahit hindi ko tignan ay halatang si Kuya ito na naglalakad papunta sa study table ko.
"Sapphire kung hindi mo kaya humingi ka nalang ng tulong saakin o kina mama" saglit akong tumigil at nilingon sya, nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha, napangiti naman ako bago siya sinagot.
"Kaya ko naman po" napabuntong hininga na lamang sya bago muling nagsalita "bumaba kana doon at nang tayo ay makakain na" tumango na lamang ako at sumunod sakanya.
"Balita ko sapphire may transfer daw sa school nyo. Totoo ba?" Tanong sakin ni mama habang patuloy sa pagkain "opo" maikli kong sagot kay mama "kilala mo na ba sya? ibig kong sabihin, close naba kayo?" Tumango naman ako "lalaki ba sya?" Napatigil akong muli sa pagkain ng magsalita si Kuya, kaagad ko itong nilingon at nakita ko naman syang busy sa pagkain "opo, paano nyo nalaman?" Pagtatanong ko pabalik "sinabi sakin" bumuntong hininga naman ako bago muli magtangong ngunit naunahan nya ako "ng isang kaibigan" napa singhap na lamang ako at itinuloy ang pagkain.
Kakatapos ko lang gumawa ng mga takdang aralin ko at 11:45 na ng gabi, ibig sabihin ay natagalan ako sa pag gawa. Sino ba naman ang hindi matatagalan kung napakarami naman ng mga ito tapos mahihirap pa, buti na lamang at sakop pa ito ng kaalaman ko dahil kung hindi aba mahirap na.
Inayos ko na ang mga gamit ko bago nahiga at natulog.
BINABASA MO ANG
SAPPHIRE LEVIOZA (THE GIRL WHO HATE'S LOVE)
LosoweSapphire Levioza a 17 yrs old teenager who hate's love. Aaron Enrile a 23 yrs old business man, at the young age ay ipinamana na kaagad sakanya ang kanilang kumpanya, he's a playboy, habulin dahil sa makisig nyang katawan at marangyang buhay Paano...