CHAPTER 19

5 2 0
                                    

Sapphire Levioza's POV

This can't be happening!

Siya yun?! Siya yung makakasal saakin?!

"Any problem Ms.Sapphire? Napapansin ko kasi na kanina ka pa tahimik" ani Aaron. Oo! Tama kayo! Si Aaron ang makakasal saakin!

"U-uh w-wala" nakinig na lamang ako sa usapan nila

"Umm Mr.Enrile kailan ho ba ang kasal?" Nasamid ako sa sarili kong laway sa tanong ni Mama "Well gusto ko sanang next month nalang" next month?! "A-ah M-Mr.Enrile masyado naman ho yatang mabilis hindi ba hehe" napakunot naman ito ng noo "Hmm any problem with that?"kaagad naman akong umiling, ngayon lang ako makakatulong sa mga magulang ko kaya hindi na dapat ako umarte pa! "Good, oh siya aalis na  ako next month na ang wedding" nag pasalamat naman sina mama at kaagad na  umalis si Aaron.

"Salamat talaga anak! Jusko maisasalba  nanatin ang munting negosyo natin!" Ani mama kakauwi lang namin ngayon at iyan agad ang sinabi niya saakin bago ako niyakap. "Walang anuman po Mama, masaya po ako na  matutulungan ko kayo" peke akong ngumiti sakanila hindi nila puwedeng malaman na labag ito sa kalooban ko. Ayaw ko na mag-aalala pa sila.

"Tulog na po ako" tumango naman sila kaagad akong umakyat papunta sa kuwarto ko

Malalim akong bumuntong hininga kasabay ng pagbagsak ng sarili ko sa kama.

"Inaantok akoo" tumayo agad ako at pumunta sa banyo para mag linis ng katawan

Lamig ng tubig ang dumadaloy pababa ng aking katawan, sobrang daming nangyayari ngayon pero hindi ko napapabayaan ang pag-aaral ko.

Matapos kong maglinis ay sinuot ko na ang roba at lumabas. Naghanap ako ng pantulog at isinuot ito bago nagsuklay ng buhok at nahiga.

"Hala?!" Sigaw ni Haze "Ano ba Haze kailangan isigaw?" Nag peace sign naman ito "Pero seryoso ikakasal kana?" Tumango naman ako, isang malalim na buntong hininga at kumawala sakanya "Oh bakit parang ang lalim ng dinadala mo diyan?" Tanong ko dito, nagsimula na kaming maglakad papunta sa aming classroom "Wala naman" tumango nalamang ako.

Katahimikan ang bumabalot sa amin hanggang sa marating namin ang aming classroom

"Ah haze samahan mo ako mamaya ah" Lunes kasi ngayon at kahapon ay wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang mag aral.

Tumango naman ito bilang sagot at nauna na sakanyang upuan. Pumunta nadin ako sa dulo para maupo.

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang prof namin na parang malalim din ang dinadalang problema. Napapansin ko din na parang hindi ako sinasampal ni Stephanie ngayon, halos lahat din sila hindi makatingij saakin.

Naninibago ako.

SAPPHIRE LEVIOZA (THE GIRL WHO HATE'S LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon