CHAPTER 20

9 2 2
                                    

Sapphire Levioza's POV

"Uhmm Ma,Pa kumusta na po pala ang pagtuturo ninyo?" Basag ko sa katahimikan. Kanina pa ako nakauwi at himalang walang nang-away saakin kanina "Ayos naman anak ganon parin naman" sagot ni mama masarap ang ulam namin ngayon. Pritong Galunggong na may sawsawan na toyo na may kamatis at calamansi. Nagtimpla din si Mama ng Tang Orange para ipartner dito.

"Siya nga pala sapphira kumusta ang pag-aaral mo? Pasensya kana at maaga kang matatali ha" ngumiti nalang ako kay Mama bago sumagot

"Ayos lang po yun, ang mahalaga nakakatulong po ako sa inyo" ngumiti naman saakin si Mama

"Ah ako na po diyan" pigil ko kay Mama tapos na kasi kaming kumain at gusto ko na ako nalang ang mag hugas ng mga pinggan "Nako ikaw eh magpahinga na, ako na ang magliligpit dito" ani Mama nakipag agawan pa ako pero sa huli wala din akong iba pang nagawa kundia ang sumuko.

Umakyat na ako sa taas bago nag linis ng katawan at naupo sa tapat ng study table ko. May assignments kasi kami sa Science at Math mas madalas kasi na kulangin sa oras ang guro namin dito kaya palaging may mga takdang-aralin dito.

Pasado alas diyes na ng gabi ng matapos ako sa aking mga takdang-aralin. Bahagya akong nakaramdam ng gutom kaya naman kaagad akong kumuha ng 300 sa aking pitaka at lumabas ng bahay.

Pumunta ako sa 7 eleven at pumili ng makakain.

Kumuha ako ng sisig at delight para inumin. Inilagay ko ito sa cashier at binayaran. Matapos initin ang sisig ay naupo ako sa isang upuan bago nagsimulang kumain.

"Can I sit here?" Tumango na  lamang ako sa nagsalita dahil abala ako sa pagkain "Hindi ka ba papagalitan ni tita dahil nalabas ka ng ganitong oras?" Nasamid ako sa kinakain ko kaya't kaagad kong binuksan ang delight at ininom. Tinignan ko yung lalaking nagsalita ng 'Tita' kay mama at nanlaki ang mga mata ko ng makilala ito.

Si aaron.

"A-anong g-ginagawa mo dito?" Tanong ko sa buwisit na animal na lalaking nasa harapan ko at nakangiti na parang baliw. "How about you? Anong ginagawa mo sa labas pasado alas diyes ng gabi? Masama sa mga kababaihang nasa edad mo ang lumabas ng ganitong oras" mapang-asar na ngiti ang binibigay nito saakin "Ako ang unang nagtanong" naiirita ako sakanya "Hmm well one of my guards saw you here so sinundan kita" hindi ko alam kung matutuwa ba  ako o maiinis sa sinasabi niya "You? Bakit ka naandito? You are soon-to-be-my-wife kaya concern ako" hindi ko mapigilang mamula sa sinabi niya

Soon to be his wife....

SAPPHIRE LEVIOZA (THE GIRL WHO HATE'S LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon