CHAPTER 23

6 2 0
                                    

Sapphire Levioza's P. O. V

dahan-dahan akong lumabas ng pinto at wala sa sariling naglakad papunta sa tapat ng kama ko pabagsak akong humiga at pilit paring pinapakalma ang sarili ko

wala pang ilang minuto ay gulat akong napatayo sa kama dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Aaron "Ginagawa mo dito?"  pinilit kong itago at hiya na naradamdaman ko. Hindi ito sumagot kaya naman tumayo na ako ng bigla kong maalala na may liligpitin pa pala ako. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng magsalit ito "Naligpit ko na" bumalik nalang ako sa kama ko at naupo "About pala dun sa nakita mo sa banyo-" napatingin ito saakin, lumunok muna ako bago muli nagsalita "-k-kalimutan mo nalang y-yon" panigurado ako na sa oras na ito ay pulang pula na ang mukha ko. Nung tinignan ko sya ay nakangiti ito "Bakit ka nakangiti dyan?" kaagad din itong sumagot "Nothing, btw do you have any clothes na pwedeng kumasya sakin?" umiling ako "Si Kuya meron wait ikukuha kita" pumunta ako sa kuwarto ni Kuya at ikinuha sya ng gagamiting damit pagkatapos ay ibinigay ito sakanya. Nagpasalamat naman sya bago pumunta sa banyo at naligo. Habang sya ay naliligo sa banyo ay ako naman itong naghahanap ng maisusuot, kinuha ko ang isang damit na long sleeve at medjo mahabang short kaso mukha naman akong tanga kung ito ang isusuot ko eh napaka init ng panahon. Nahagip ng mata ko ang isang hindi kakapalang damit na may maikling sleeve at isang short na hindi kaiklian, ito nalang ang isusuot ko presko pa.

Natapos maligo si Aaron at ako naman ang sumunod, matapos kong maligo ay sinigurado ko ma wala akong naiwan na saplot panloob bago lumabas. Nag suklay ako at nagblower bago nag ponytail na buhok bago bumaba. Naabutan ko si Aaron na prenteng nakaupo habang nanonood ng tv napansin nya sigurong nakatingin ako sakanya kaya't bumaling ito ng tingin saakin "Anong gusto mo'ng ulam?" tanong ko dito "Kahit ano" pumunta ako sa kusina bago kumuha ng lucky me noodles at iniluto ito. Nagsaing nadin ako bago nagtimpla ng Guyabano Juice, naghain si Aaron ng dalawang plato kutsara at tinidor pati nadin baso bago naupo. Ng maluto ang mga ito at inihain ko na din ito sa lamesa. Nagsimula na kaming kumain, tahimik lamang kaming kumakain kulang nalang eh umepal yung kuliglig na nagiingay sa gabi.

"Uuwi na ako mamaya" basag nito sa katahimikan tumango nalang ako "And also mapapaaga ang kasal natin" patuloy lang ako sa pagkain "next next week-" nasamid ako sa kinakain ko ng marinig iyon "Next Next Week?!" tumango naman ito habang iniaabot saakim ang Guyabano Juice "Sobra naman yatang napaaga" ani ko "Next week Engagement Party natin then next week kasal, any problem" umiling naman ako kahit na labag na labag na ito sa kalooban ko "Good then, by the way I have to go now, pakisabi nalang kina tita and also thanks sa breakfast bye!" kaagad itong lumabas at iniwna akong nakatulala.

Ano ba itong pinasok ko!

SAPPHIRE LEVIOZA (THE GIRL WHO HATE'S LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon