CHAPTER 7

12 2 0
                                    

Sapphire Levioza's POV

"Gising na sapphire" kanina ko pa naririnig ang boses ng Kuya ko na pilit akong ginigising "sapphire male-late kana" gustuhin ko man na imulat ang mga mata ko pero ayaw pa nito 1:00 na ng madaling araw ako nakatulog dahil sa pag-aaral "kuya 1minute pa po" bumuntong hininga ito bago ako binuhat "kanina pa yang 1minute mo" kaagad ko naman iminulat ang mata ko kasabay ng pagsakit ng ulo ko, iniupo nya ako sa upuan ko bago muling nagsalita "tanghali na alam ko ba yun?" Tumango naman ako "Ano bang oras ka natulog kagabi at puyat ka ha?" Sasagot na sana ako ng magsalita ulit ito "at ito pa ha, nakita ka daw ni Tita Lovely na patakbong nauwi kagabi, sapphire naman eleven ng hating gabi iyon tapos lumabas ka? Sabihin na nating oo nga at walang masasamang tao dito pero hindi ibig sabihin non hindi na delikado" oo tama naman si Kuya doon "pero kasi naman po nagugutok ako" oo nagugutom naman talaga ako eh "edi sana ginising mo ako para naman masamahan kita diba?" Napayuko na lamang ako "fine mamaya kanang tanghali pumasok, matulog kana muna gigisingin nalang kita kapag maliligo kana" nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi nya "thank you kuyaaa" pahabol kong sabi dito ng lumabas na ito, kaagad akong tumayo at muling ibinagsak ang sarili sa aking kama.

"Sapphire maligo kana doon" kaagad akong bumangon sa aking higaan at nag suklay maliligo na ako.

"Kumain na muna kayo" pag aalok saamin nina Papa tapos na akong maligo "sige po" naupo na kami at sinabayan silang kumain "Ma Pa, una na po kami" pagpapaalam namin ni Kuya kina Mama "sya mag iingat kayo ha!" Ngumiti naman kami bago pumasok sa aming sasakyan "Kuya ibili mo nga po ako ng Delight" pagbabasag ko sa katahimikan "babaunin mo?" Tumango naman ako, kaagad nyang inihinto ang sasakyan at bumili ng gusto kong Delight. 11:26 na at mamayang 12:30 ay tapos na ang lunch namin, bumalik kaagad si Kuya bago muling nagmaneho.

Eksaktong 12 ng makarating kami sa school, nagpaalam na ako kay Kuya bago bumaba, pumunta na ako sa classroom namin at laking gulat ko ng makita ko doon si Haze na nag iisa

"Oh bakit ka naandito? Tapos kana ba kumain?" Umiling ito habang nakangiti "eh bakit ka naandito?" Tanong ko mulit dito "hinihintay ka, mabuti nga at pumasok kana eh" ay putek? sira ulo ba sya? "Nagugutom kana ba?" Kahit papaano nag-aalala ako sakanya pano ba naman kasi hindi pa siya nakain, ilang minuto na lamang at tapos na ang lunch. Tumango naman ito, kaagad kong kinuha ang Delight at Oreo na malaki sa bag ko at iniabot sakanya, baon ko sana pero nakakaawa naman siya, taka niya akong tinignan "kainin mo na" umiling pa siya ngunit pinilit ko siya kaya naman kinain na niya ito.

"Salamat" natapos na siyang kumain at maya maya lamang ay darating na ang prof namin "nga pala sabi kanina ng prof may quiz daw tayo bukas" meron nanaman? Parang dumadalas ah.

Dumating na ang prof namin at nagsimulang mag klase.

SAPPHIRE LEVIOZA (THE GIRL WHO HATE'S LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon