Sapphire Levioza's POV
"Sapphire tara na" yaya saakin ni Haze lunch na kaya naman palabas na kami ng room para kumain "Sandali wag kang atat hindi tayo mauubusan ano ba" natatawa kong sagot dito, kanina nya pa ako niyayaya na umalis para daw maaga kaming matapos, may point sya doon pero kasi naman tinapos ko pa yung mga notes na pinasulat ng prof namin kanina.
"Tara na" ipinulupot ko sa braso nya ang mga braso ko habang naglalakad.
"Ah ate isang sinigang po at kanina pati C2" sabi ko sa tindera akmang iaabot ko na ang bayad ng pigilan ako ni Haze "My Treat" wala na akong nagawa pa at pumayag nalang, umorder nadin sya ng kakainin bago kami naupo.
"So anong plano mamaya?" Tanong nito saakin "Kain tayo sa labas mamaya!" Masaya kong sabi dito "My Treat again" kokontra pa sana ako ng magsalita ulit ito "Kung ayaw mo na libre ko edi huwag na tayong tumuloy" tumahimik nalang ako gusto ko din namang makagala kaya hindi na ako tatanggi.
Naandito na kami sa classroom ngayon, hinihintay nalang namin si prof, nandito nadin kasi mga kaklase namin at napansin namin na kanina pa wala ang prof namin.
"Ms.Levioza" bungad kaagad saamin ni prof pagpasok nya "Po?" Sagot ko dito na may halong pagtataka "Nothing" aba't loko itong si prof ah.
Nagsimula na itong magturo at patuloy lang kami sa pakikinig ng biglang may bumato sa ulo ko
"Aray!" Inis kong nilingon ang direksyon kung saan ito nanggaling at nakita ko si Thalia na nagpipigil ng tawa "Problema mo?" inis kong tanong dito "Boring eh, at tsaka bakit? May angal ka?" umiling nalang ako ayako ng away, isa kasi si Thalia sa mahalagang studyante dito dahil ang ama niya ay may bahagi din sa paaralang ito. Pero kahit mahalaga sya ay pantay-pantay parin ang pag ta-trato samin ng mga teacher dito.
Gusto ko siyang kalabanin kaso hindi ko alam kung ano ang maaari niyang gawin.
"Ms.Levioza" tapos na ang klase at tinawag nanaman ako ni Prof. "Bakit po?" Bumuntong hininga ito bago magsalita "In my office, now" nagtataka kong nilingon si Haze "Umm kit-" "Lakad na hihintayin nalang kita" ngumiti ako sakanya bago sinundan si prof.
Kumatok ako sa pinto nya at kaagad naman niya akong pinapasok.
"Umm bakit po pala?" Takang tanong ko dito bago naupo "You are now part of the most important students here" kaagad nanlaki ang mga mata ko
Most Important Students or MIS
Yun yung totoong mahahalaga, iba ang trato sakanila ng mga teachers tatlo lang yung MIS ito at yun ung mga taong totoong may napakalaking shares sa school na ito.
"I mean ikaw yung The Very Most Important Student" TVMIS sure ba sila dito? "Prof The Very Most Important? Ano naman pong pinagkaiba mun sa Most Important?" Nakakapagtaka lang kasi kung ano ang kaibahan nun "The owner of this school wants you to be the very most important student here, kumapara sa trato sa most important ay mas iba ang sayo dahil pwede kang hindi gumawa ng mga ipapagawa sayo or sa mas madaling salita Campus Queen na ang bansag sayo" teka nga paanong ganon? "Oh and last, nag iisa kalang pala"
hindi ko alam kung nagbibiro lang ba itong si prof oh ano. "Mauuna na po ako prof, wala po akong oras sa mga biro nyo" Oo wala talaga, hindi ko na hinintay pa na sumagot ito at umalis na. Bastos man kung ituturing pero ayako nang niloloko ako.
BINABASA MO ANG
SAPPHIRE LEVIOZA (THE GIRL WHO HATE'S LOVE)
DiversosSapphire Levioza a 17 yrs old teenager who hate's love. Aaron Enrile a 23 yrs old business man, at the young age ay ipinamana na kaagad sakanya ang kanilang kumpanya, he's a playboy, habulin dahil sa makisig nyang katawan at marangyang buhay Paano...