Chapter 1

852 107 23
                                    

"ANO? naghost ka!?" galit na tanong ni Dahlia habang nakapamewang sa harap ko. Magkasalubong na naman ang makapal niyang kilay at mas lalong naningkit ang mata niya

"Shhhh!" suway ko naman sa kanya dahil sa lakas ng bosses nito na nakakuha ng attensyon ng ilang estudyante'ng dumadaan

Magkasing edad lang naman kami pero di ko talaga matatanggap na mas matangkad pa siya sakin ng 1 inch nasa 5'3 ang tangkad niya at hangang bewang ang curly niyang buhok na sumakto naman sa pangangatawan.

"Sabi ko naman kasi sayo ghoster yang Third na yan ehh" iling-iling na saad ni Ali.

Since highschool magkaibigan na talaga kami ni Ali. She's a type of friend na 'di ako sasama pag di ka sasama' kaya yun pareho kaming nabubulok sa sarili naming bahay

Bilugin ang mata ni Ali na bumagay naman sa natural at mahaba nitong pilikmata. Natural din na maputi ang balat niya at kagaya ni Dahlia nasa 5'3 din ang height nito

Bumuntong hininga na lang ako dahil sa sermon nila"Sabi niya kasi busy  siya eh kaya di siya nakakapag reply tas-"

"Tapos ghinost kana? Puny*ta talaga yang mga lalaking yan eh dapat sa kanila binabalatan ng buhay" naka cross arms na dugtong ni Dahlia sabay irap

"Ayy true! mga kampon talaga yan ni lucifer at saka pagkatapos mong sagutan yung mga assignment niya?" Reklamo naman ni Ali

"Tanga mo kasi dai eh, ilang beses ka na naming sinabihan ang rupok mo pa din" giit naman ni Dahlia sabay face palm

"Sorry na, na puno na nga tenga ko sa sermon ni mama ehh" yumuko nalang ako habang nakatingin silang dalawa sakin. Tama naman sila pareho,if i had just listened to them di sana ako nasaktan ng ganito

"Galit kami kasi concerned kami sayo" ani Dahlia saka umupo sa tabi ko

"Ayaw lang namin masaktan ka bubbles" Ali commented as she tap my shoulder.

They used to call me bubbles since im too sweet daw, innocent and naive when it comes on other stuffs .Ali is blossom because mas magaling siyang gumawa ng decisions compare sa aming tatlo while Dahlia is buttercup because of her tough and hotheaded attitude

"Thanks girls" I smiled as hug the both of them and they hug me back then sabay silang nagtawanan

"Ano masakit sampal ni tita no?" pabirong tanong ni Ali

"Oo,tingin ko na twist ata ulo ko mga 360°" sagot ko naman kaya humagalpak sila ng tawa

Natigil lang yung tawanan namin ng tumunog yung messenger ni Ali

"Ayy iba,sana ol may kachat" ani Dahlia saka sinundot ang braso ni Ali

"Gaga! sa rp to" aniya saka tiningnan ang phone niya

"Anong rp? Received pronunciation?" takang tanong ko naman that's the closest word i could think of, Rp accent is traditionally regarded as the standard for British English.

"Tanga!" Natatawang aniya

"Rpw kasi yun 'Role playing world' it's a virtual world where you can meet random people without knowing their real identity" she explained. Sabay naman kaming napatango ni Dahlia

"Alam mo Gyiang,i think you should try it para maka move on ka naman sa tarantadong Third na yun" pabirong ani ni Dahlia

"Agree, you should try it" sulsol naman ni Ali

Nag-kibit balikat nalang ako at
di ko sila pinansin bago pumasok na sa first class ko. Paano kung malaman na naman nila mama? Tuluyan na talaga 'kong mapa-palayas sa bahay









Upon the Sunset (RPW SERIES 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon