Chapter 7

167 53 0
                                    

TAHIMIK lang kami ngayong naka upo sa maliit naming dining area habang inaantay yung ulam na malapit ng maluto. Ni-isa ay walang nangahas na basagin ang nakakabinging katahimikan na namamalagi sa atmosphere ng kusina. Abala si mama sa pagluluto ng tinolang manok habang nag seselpon naman yung kapatid ko

Halos habulin ko naman yung hininga ko ng mapansin ang matatalim na tingin ni Papa kay Kiro. Hawak nito ang phone niya habang kinakandong si Gigi at sinasamahan itong manuod ng nursery rhymes

Bigla nalang silang naging close ng Gigi kanina. Pag dating kasi namin naabutan namin siya'ng naglalaro mag-isa sa sala kasi abala sina mama sa pag asikaso ng mga customer sa labas at nasa trabaho pa non si papa

Pinakilala ko sa kanya si Kiro at nagpasalamat naman siya dito dahil sa pagligtas nito sa kanya nong nakaraang araw. Tapos non ay inaya niya si Kiro na maglaro daw sila.
Di naman nakatanggi yung isa at sinamahan nalang si Gigi habang tinatapos nito yung mga gawaing naka assign sa kanya

Napag desisyonan kasi ni mama na dito na daw maghapunan si Kiro dahil gabi na kami natapos at pasasalamat na din namin yun sa pag ligtas niya kay Gigi

"Nililigawan mo ba anak ko?" Malamig na tanong ni Papa, masama pa din yung tingin niya kay Kiro na isang maling sagot lang nito ay handa siyang katayin yun ng buhay

"Pa" suway ko sa kanya pero di niya ko pinansin at inantay yung sagot ni Kiro. Nakuha niya ang attensyon ng lahat dahil sa deretsong tanong nito

"Mabuti pa kumain na tayo" nakangiting palusot ni mama saka nilapag yung kaserola sa mesa. Ni-tap niya yung balikat ni papa para pakalmahin ito mabuti nalang at nakinig ito sa kanya

"Pasensya kana ijo, kumain na kayo" nakangiting saad ni mama bago kinuha si Gigi at umupo na, kinuha ko na yung banyado at sinalinan ng kanin si Kiro. Ako mismo nahihiya dun sa tanong ni papa. Ngayon alam ko na kung san ko namana yung pagiging malisyosa ko
















"UHM Kiro, pag pasensyahan mo na yung tanong ni papa kanina ah? Di lang kasi siya sanay na may dinadala akong lalaki dito sa bahay" nasa labas na kami ngayon ng gate. Pasado alas-siete na ng gabi at kakatapos lang din naming mag hapunan

"I see" tipid na sagot nito bago sinuot yung helmet niya

"Anong i see?" Takang tanong ko dito, sumakay naman siya sa motor niya at ni switch na yung starter nito

"Kaya pala until now wala kang jowa" tumaas pa yung sulok ng labi nito. Nang-aasar na naman ba siya?

Pinang singkitan ko siya ng mata bago magsalita

"Judger! Umuwi kana nga hambalusin kita eh" mas tumaas lang yung sulok ng labi niya that slowly turns into a silly smile. Pinaharurot na niya yung motor niya papalayo sa bahay na para bang may karera itong hinahabol. Tigas talaga ng ulo ng lalaking yun siguro pag inuntog ko yung ulo niya sa pader yung pader pa yung mabababasag

Ni-lock ko muna yung gate bago pumasok sa loob ng bahay. Dumeretso na ako sa kwarto ko kasi yung kapatid ko yung nag hugas kanina. Sarap kaya makitang nakabusangot yung mukha niya habang nagsasabon ng mga plato tas kung kelan siya matatapos dun ko lalagay sa lababo yung basong ginamit ko ksksks demonyo lang?

Napatalon naman ako sa gulat ng maabutan sila ni mama na naka upo sa kama ko habang deretso'ng nakatingin sakin. Jusko naman aatakihin ako sa puso sa mga pinanggagagawa nila eh

"Umupo ka nga dito" may bahid ng inis yung bosses ni papa habang pinaglalaruan ang mga daliri nito, umupo ako sa stool na nasa tapat lang din ng nila

"Nililigawan ka ba ng lalaking yun?" Seryuso lang yung mukha nito habang ino-obserbahan yung reaksiyon ko. Mabilis kasing maka amoy si papa when it comes sa mga ganitong bagay

Upon the Sunset (RPW SERIES 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon