Chapter 14

124 41 5
                                    

HALOS lahat naman ata ng babae nagkakagusto sa kanya eh at isa na ata ko dun. Charot! Bat ko naman gugustuhin ang asungot na to eh lagi nga niya kong sinusungitan? Kung maka pag utos daig niya pa yung mga Don at Donya eh

Pagkatapos naming kumain ay nag edit muna kami ng ilang parts ng thesis namin. Napansin kong kulang pa pala yung ilang pictures para sa appendix kaya hiniram ko muna yung phone ni Kiro since siya naman yung nag document nong nag survey kami

Di naman ito nagreklamo at nilabas nalang yung phone niya sa bulsa habang nakatutok pa din yung attensyon nito sa laptop niya. I opened his phone and i quickly browse his gallery

Naningkit yung mga mata ko ng makita yung iilang pictures ko sa gallery nito. It was taken nong nasa bahay pa lang kami nila Ava. Nakangiti ako dun habang kausap yung nanay ni Ava. Tumikhim naman ako bago hinarap sa mukha niya yung pictures ko

"What?" Tipid nitong tanong kaya tinaasan ko siya ng kilay to ask kung ano ang ibig sabihin non pero di siya umimik at agad na binalik yung attensyon sa laptop nito

"Woi" tawag ko sa attensyon nito kaya inis siyang napatingin sakin sabay kamot sa batok nito

"Ganyan ka ba ka-uhaw sa attensyon ko?" Agad namang kumunot yung nuo ko at napangiwi nalang dahil sa kahanginan nito

"Ang feeling mo din. Alam mo ikaw ata yung may pagnanasa sakin eh" hirit ko sabay cross arms. Ewan ko ba habang tumatagal masyado nang nag fe-feeling ang lalaking to

"What made you say that Allegre?" Kalmadong tanong nito kaya di nako nag dalawang isip na ipakita yung picture ko sa gallery niya. Tinaasan ko pa ito ng kilay before he clicked his tongue

"Para sa appendix sana yan kaso bawal pala yung mga ganyang mukha so you can delete that now" bumalik na naman ito sa pag ta-type niya sa laptop kaya inis nalang akong napa buntong hininga bago ni-delete yung mga pictures ko. Anong 'ganyang mukha' eh ang ganda ko nga dun kahit stolen lang. Aish! Bakit ba kasi napaka malisyosa ko eh
















PAPUNTA na kami ngayon sa computer shop na nasa kabilang baranggay para i-print na yung papers namin. Wala naman kaming printer sa bahay isa pa mas maka-katipid kami dun. Iniwan na namin si Gigi sa bahay total nandon na rin naman si mama at babalik din naman kami agad

Deretso lang yung tingin ni Kiro sa daan habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Nakakahiya kaya yung pambibintang ko sa kanya kanina. Akmang liliko na sana kami ng mahagip ng mga mata ko ang mga pamilyar na tao malapit sa isang fishball cart. Ganon nalang yung tili ko ng mapansing ang powerpuff's pala yun kasama sina kuya Kade at Yael kaya mabilis kong hinila yung kaliwang braso ni Kiro palapit sa kanila

"Palibre naman" bulong ko kina Ali at Dahlia na abala sa paglamon ng samot saring street foods. Gulat naman ang mga itong napatingin sakin

"Uy, tapos na ba yung date niyo?" Pangasar ni Dahlia at tinapunan ng tingin yung kasama ko

"Buti nalang talaga 'di ka namin tinawag kanina sa simbahan" tawa naman ni Ali bago ito nakipag apir sa katabi niya. Napangiwi ako at tiningnan lang sila with a bored look of mine. So di nila ko tinawag kasi may double date silang dalawa ganon?

"Ang unfair niyo kayo lang kumakain" protesta ko. Inabot naman sakin ni Kuya Kade yung isang cup na may lamang kikiam kaya tumabi na ko sa dalawa at sinimulan ng lantakan yun

"Nga pala anong meron bakit magkakasama kayo?" Takang tanong ko habang nginunguya yung masarap na kikiam sa bunganga ko. Agad namang napakamot sa batok ang dalawa bago sila nagka-tinginan

"Gutom ka pa ba gyiang? Gusto mo dagdagan natin?" Alok ni Dahlia na sinang-ayonan naman ni Ali. Agad akong umiling at tinangnan ito para pa-upuin

"Nako gyiang! nagtatampo sakin yang kaibigan mo kaya nilibre ko" sagot ni Kuya Kade saka umupo sa harap namin habang abala naman sa pag uusap sina Yael at Kiro

Upon the Sunset (RPW SERIES 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon