Chapter 18

99 21 0
                                    

NAKA sakay ako ngayon ng elevator pababa ng hotel dahil kanina pa ko kinukulit ni Kiro na maghahapunan na daw kami. Suot ko yung kulay white kong jogger pants at pinarisan ko yun ng itim na crop tee's. Suot ko pa din yung varsity jacket na pinahiram ni Kiro kanina dahil sobrang lamig talaga dito sa loob

Naka busangot yung mukha ko habang hinahanap yung asungot na nag-aya pang lumabas sa dis-oras ng gabi. Alam naman niya'ng masakit yung puson ko tas aabalahin pa kong bumaba dito kampon talaga ni satanas yang lalaking yan eh. Isa pa hindi namin ma contact si professor Vivien para sana ipaalam sa kanya na maling room yung na book niya kanina. Sabi pa ni Kiro antayin nalang daw namin siya'ng bumalik bukas at baka sakaling maayos niya pa

Nakasandal siya sa ilalim ng light post na nasa gilid ng kalsada habang kunot nuo'ng sinisipa yung lata na malapit lang sa paa niya

"Papatayin mo ba ko sa gutom?" Reklamo nito at nag angat ng tingin sakin kaya napangiwi ako

"Bakit? Dala ko ba kaldero niyo?" Pagsusungit ko dito na ikinailing lang niya. San ba siya kakain eh alas-nuwebe na ng gabi sigurado akong sarado na lahat ng restaurant na naka pwesto dito. Tas isa pa di ba siya marunong kumain mag isa?

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay hinila ako nito papasok sa 7/11. Umupo ako sa isang bench na nasa labas habang si Kiro naman ay bumili ng makakain sa loob. Pasado na alas-nuwebe ng gabi at kukunti nalang yung pumapasok sa store para bumili ng snacks. Yung iba naman ay bumili ng kape para siguro di sila antukin sa trabaho nila at karamihan ay bumibili ng alak

I sigh. Pasalamat lang talaga yung lalaking yun at malaki yung utang na loob ko sa kanya kung hindi mag-isa na naman yung lalamon dito. Hinawakan ko yung puson ko dahil parang pinipiga yun sa sobrang sakit. Yawa! gutom na din siguro ako. Naalala ko di pala ko nakapag lunch kanina dahil sa mahabang byahe

Lumabas na ito ng store bitbit ang dalawang cup noodles at dalawang sandwiches na nasa maliit na papper bag. Umupo ito sa harapan ko at pinatong yung mga pagkaing dala nito sa mesa then inabot yung iba sakin.

"Eat up. E-itakin ako ng tatay mo pag ginutom kita" seryusong saad nito saka hinipan yung noodles niya. Pinaikot ko muna yung plastic na kutsara sa loob ng cup since mainit pa naman ito at pinag masdan siya'ng kumain

Nakatabon yung buhok nito sa nuo niya habang marahang hinihipan yung sabaw at hinigop yun. Napa kurap ako ng dalawang besses ng mapansin na nakatingin na pala ito sakin

"Bakit?" Iritadong tanong ko dito. Di siya sumagot at humigop ulit ng sabaw

Inumpisahan ko na din kainin yung noodles ko at grabe ang sarap non sa sikmura like yun yung nag save sakin mula sa pagka gutom

"Thank you nga pala sa sanda-makmak na napkin na binili mo ah. Isang taon'g supply na yun" biro ko at humigop ulit ng sabaw

"Bayaran mo yun" he replied with a cold voice

"Edi suli ko nalang sayo yun" nag angat ito ng tingin as he looked at me coldy

"Ano namang gagawin ko dun?" I pulled myself from laughing but i failed

"Dikit mo sa pwet mo" natatawang saad ko kaya pinag-singkitan ako ng malalamig niya'ng mata

"Charot lang. Pikon mo namang kuting ka isako kita jan eh" dagdag ko pa at inubos na yung cup noodles ko. Nag indian seat ako sa inu-upuan ko since naka jogger naman ako

"Alam mo ikaw ang liit mo pero napaka ingay ng bunganga mo" reklamo nito at kumagat sa sandwich niya

"Pinaglihi ako sa torotot bakit?" I saw a glimpse of smile on his lips pero pilit niya yung tinatago mula sakin

Upon the Sunset (RPW SERIES 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon