Chapter 5

186 65 2
                                    

BIGLANG  dumoble yung tibok ng puso ko ng makita si Gigi na walang malay. Naka-handusay ito sa gitna ng kalsada habang niyayakap siya ng isang binata na hindi ko inaakala'ng gagawa ng ganong bagay

Si Kiro. Nakita ko siyang binubuhat yung kapatid ko papasok ng bahay habang inaalalayan siya ni Faith

"Tumawag kayo ng ambulansiya!" Sigaw ni lola kaya nagmadali naman ang ilan sa mga kapitbahay namin para sundin yung sinabi niya

Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko ng dumaan si Kiro sa harap ko. Napansin kong may gasgas ang braso nito pero di niya iyon pinansin at mas inuna'ng buhatin yung kapatid ko

Nataohan lang ako ng kinalabit ako ni Israel kaya agad akong sumunod sa loob. Nilapag niya si Gigi sa sofa kaya agad akong lumapit dun at niyakap yung kapatid ko. Namalayan ko nalang ang mainit na likido na dumadaloy mula sa mga mata ko. Mahigpit kong hinawakan yung kamay niya at dinikit yun sa pisnge ko

"Ate sorry. Inutusan kasi ako ni mama eh siya daw muna yung magbabantay kay Gigi" paliwanag ni Faith habang magka dikit yung dalawang palad niya

"Sus, ang aarte niyo naman di na nga nasagasaan eh" bigla namang kumulo yung dugo ko kaya padabog akong tumayo at hinampas yung mesa

Napa atras naman si Tita Lovely at napa kurap ito ng ilang beses bago salubungin yung mga tingin ko

"So inaantay mo siyang masagasaan!?" Sigaw ko sa kanya na ikinagulat niya. Nagsi-tinginan naman yung ilang customer at mga kapitbahay namin mula sa labas

Yung iba ay lumapit pa sa bintana para makinig at maki chissmiss

"Alam niyang nag bi-bingo ako eh panay pangungulit. Kasalanan ko bang umalis siya sa tabi ko?" Nakapamewang na aniya niya saka pinagdilatan pa ako ng mata

"Alam mo. Nagmana ata yung kapatid mo sa nanay mo eh pareho silang bobo" agad ko namang hinubad yung tsenelas at bag ko at agad na hinagis yun sa mukha niya. Susugurin ko sana siya kaso pinigilan ako ng mga pinsan ko

"Wala kang karapatan na laitin yung mama ko! Palamunin ka nga lang dito ang lakas pa ng loob mong manlait" mangiyak-ngiyak na sagot ko saka dinuro siya

"Isa pa ang bata pa ng kapatid ko. Malamang aalis 'yon sa tabi mo kasi puro sugal lang yung inaatupag mo! At ang kapal naman ng mukha mo para  isisi sa kapatid ko yung kabobohan mo!" Dagdag ko pa

Naramdaman ko namang hinagod ni lola yung likod ko

"Tama na Gyiang nasa labas na yung ambulansiya. Samahan mo na yung kapatid mo" padabog ko namang pinahiran yung mga luha ko bago sumunod sa mga medic na bumuhat sa kapatid ko

Pagsakay ko ng ambulansiya ay nakaupo na dun si Kiro.Nakatingin lang ito sakin kaya napayuko nalang ako bago umupo sa upuan paharap sa kanya. Habang nasa byahe ay sinapo ko yung sarili kong nuo dahil di ko alam kung anong gagawin ko. Kinakabahan ako sa possibleng mangyare sa kapatid ko at kumukulo pa din yung dugo ko sa pabigat na yun dahil sa mga panlalait nito sa mama ko

Naramdaman ko nalang yung biglang pag-agos ng mga luha sa mga mata ko dahil sa bigat na nararamdaman ko ngayon. Agad ko naman iyong pinahiran. Napatigil ako ng maramdaman ko yung pagdampi ng kamay ni Kiro sa kamay ko kaya napaangat yung tingin ko sa kanya

Nababasa ko sa mga mata niya na handa niya akong damayan ngayon kaya kahit paano ay napa-ngiti ako dahil dun















"ARAY! Ano ba?" Reklamo ni Kiro habang pilit na nilalayo yung braso niya sakin

Nasa Emergency room kami ngayon at binabantayan si Gigi na hangang ngayon ay tulog pa rin. Wala naman itong natamong galos,sugat o bali dahil agad daw siyang nahila ni Kiro ng muntikan na itong mahagip ng motor kanina

Upon the Sunset (RPW SERIES 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon