Chapter 3

224 78 4
                                    

NAKATAYO ako ngayon sa harap ng gate ng school habang inaantay si papa para sunduin ako

Pasado alas otso na ng gabi at tanging si manong nonoy nalang ang kasama kong nag aantay dito. Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng preno ng motor kaya agad kaming napalingon ni manong Nonoy para tingnan kung sino yun

Napanatag naman ang loob ko ng mapansin na si Kiro pala yung driver.

Naka suot nito ang itim na leather jacket at itim na helmet. Tumabi naman ako gilid para makadaan yung motor niya pero imbis na dumaan ay bumaba siya mula roon at pasimpleng sumandal sa gilid ng guard house kung saan naka upo si manong nonoy

Lumapit naman ako sa kanya at tumayo sa kabilang side

"Di ka pa uuwi?" Hinubad niya yung helmet niya at pinatong yun sa manobela ng motor

"May inaantay pa 'ko" aniya habang inaayos ang basa at mahabang buhok  na nakatakip sa kanyang nuo. Pinahiran rin niya ang ilang butil ng pawis na namumuo sa kanyang nuo gamit ang palad nito

It's kinda weird na kahit gaano pa ka init dito sa pilipinas he still able to wear that thick jacket

"Sino?" Tipid na tanong ko saka humarap sa kanya na ngayon ay nagsusuot na ng itim na gloves sa dalawang kamay

"Nano" tipid na sagot nito saka inayos ang leather jacket na suot

"Ha?"

"Nan-of your business" malamig na pagkasabi nito saka humalukipkip at tinuon ang attensyon niya sa kalsada

Napairap nalang ako at isinukbit ng maayos yung bag ko sa kanang balikat. After few minutes ay dumating na din si papa dala yung motor namin. Pinarking niya yun sa gilid bago lumapit dito

"pa, mano po" inabot naman niya yung kanang kamay niya sakin kaya nagmano na ako

Napansin ko na nakatingin lang ito kay Kiro na ngayon ay nakatingin na din sa kanya

"Good evening sir" bati nito kay papa pero di pa rin umaalis yung tingin niya kay Kiro

"Ito ba yung tarantadong ex mo?" Deretsong tanong nito sakin sabay turo kay Kiro na ngayon ay naka kunot na naman ang nuo

"Ito ba yung nanloko sayo? Dali ng ma sikmuraan ko" akmang lalapit na sana siya kay Kiro ng hilahin ko yung kanang braso niya para pigilan siya

"Pa, hindi si Kiro yan group mate ko sa research" paliwanag ko naman dahilan para kumalma siya ng konti at dahan-dahang bumalik sa pwesto nito kanina

"Umuwi na tayo" ma awtoridad na saad ni papa at nauna ng maglakad pabalik sa motor namin. Nagpa alam naman ako kay manong nonoy at kay Kiro saka dali-daling sumunod sa kanya














PAG-DATING namin sa bahay ay agad naman akong senermonan ni mama dahil gabing-gabi na daw at kakauwi ko lang. In-explain ko naman sa kanila na nalock ako sa isang room

Di ko sinabi na sa detention room ako na stuck dahil sigurado ako na may follow up questions pa na dadating

Pagkatapos naming maghapunan ay umakyat na ako sa kwarto ko saka nagbihis. Binagsak ko na yung katawan ko sa kama dahil sa sobrang pagod na na earn ko ngayong araw

Napatingala nalang ako sa kisami remembering on how did we manage to get out

[Flashback]

Agad na napangisi si Tayra ng makita ako na naka dungaw sa bintana ng building. Senenyasan niya ang matabang alalay nito na itaas ang pulang kartolina na hawak

Upon the Sunset (RPW SERIES 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon