PAGKATAPOS kong maghugas ng plato ay bumalik na ko sa kwarto ko para magpahinga na pasado 9 pm na din kasi eh. Papatayin ko na sana ang ilaw sa kwarto ko ng may kumatok sa pinto kaya marahan ko itong binuksan. Bumungad naman sakin sina Mama at Papa
"Mag usap tayo" seryusong saad ni papa kaya pinagbuksan ko sila ng pinto bago umupo sa kama ko
Yumuko nalang ako kasi hangang ngayon nahihiya pa din akong humarap sa kanila matapos yung pagsisinungaling ko
Umupo sila sa stool na nakapwesto lang din sa harap ng kama medyo nanginginig na din yung kamay ko.I'm nervous natatakot ako para kay mama baka kasi ma high-blood na naman siya dahil sakin
Last time kasi naawat pa siya ni papa kaya di siya masyadong inatake ng sakit niya and now im hoping na maging kalmado siya kung ano man yung sadya nila dito
"Alam mo naman siguro yung dahilan kung bakit ayaw ka naming payagang magka jowa di ba?" Tumango nalang ako sa tanong ni papa
"Gaia mahirap lang tayo. Ano sa tingin mo yung iisipin ng pamilya niya? Na kaya mo sinagot yung anak nila kasi kailangan mo ng pera? Na gold-digger ka? Hindi mo ba naisip yung mga pang- iinsulto ng mga tita mo sayo? Sa akin? Yung mga pangmamaliit nila sa papa mo? Pag di ka nakapag tapos ng pag-aaral parang pinatunayan mo na din na tama ang sinasabi nila Gyiang. 'Yang pag-aaral mo lang ang tanging maipapamana namin sayo kaya namin to ginagawa isa pa bata ka pa para sa ganyang mga bagay wag mo munang madaliin" maluha-luhang saad ni mama
Bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa puso ko ng dahil sa sinabi niya, lagi kong iniisip yung mga pang iinsulto ng mga tita ko sa amin
Their heavy words that keeps on stabbing my mother's heart. They always say na di daw kami a-asenso dahil sa walang trabaho si mama at sa maliit na talyer lang daw nagtatrabaho ang papa ko. That's why im doing my best to prove them wrong
Bigla nalang pumatak ang luha mula sa mga mata ko. Well i guess blood is no longer thicker than water. Kung sino pa yung kadugo mo sila pa yung hihila sayo pababa just because you're not wealthy enough para mahingian nila ng pera.
Then just to be clear hindi ko sinagot si third dahil sa pera niya i was only infatuated on him and isa pa maybe na used lang ako na magka usap kami tuwing gabi
I thought the only way to make him stay is to accept his love na di naman pala legit. Bakit ba kasi ako nag padala do'n sa sugar-coated words ng lalaking 'yon eh. I sighed as i wipe my tears and ibinaling nalang yung attensyon ko kina papa
Hinawakan naman ni papa yung kamay ni mama para pakalmahin ito and to tell her that he better handle this
"Alam mo Gyiang ang pagmamahal hindi minamadali yan,kagaya ng isang halaman kailangan nito ng tamang alaga at sapat na panahon upang mamulaklak"kinuha niya yung maliit na artificial daisy flower sa study table ko bago ito marahang pinaikot na para bang kinikilatis ang bawat parte nito
"At kasabay ng ibang bulaklak sa isang hardin kailangan pa ulit nitong mag antay hangang sa may mag kusang loob na pumitas dito" kwento ni papa bago ngumingiti at tumingin sakin
"Parang ikaw lang anak. Isa ka sa mga maganda at sensitibong bulaklak na kailangan naming ingatan ng mama mo. Kailangan mo munang matutunan kung paano mo aalagaan at mahalin ang sarili mo bago ka pumasok sa mga ganyang bagay kasi dadating din ang panahon kung saan may lalaking pipili sayo at tatanggapin ka sa pagiging ikaw" kinuha niya yung kamay ko saka inilagay dito yung bulaklak na hawak niya kanina
"Matulog kana. Maaga pa ang pasok mo bukas" ginulo niya muna ang buhok ko bago sila tumayo at tuluyan ng umalis sa kwarto ko
Diko masyadong naintindihan yung sabi ni papa pero isang bagay lang ang sigurado ko. They're only doing this for my own sake pero sana naman 'di ganito kahigpit nakakasakal na din eh
BINABASA MO ANG
Upon the Sunset (RPW SERIES 01)
Teen FictionGaia Allegre is an BSEd-English student who is cage by her parents words. She always follow the rules even if it's already crossing the line of her privacy. She also used to love the beauty of sunset which serves as her calmness whenever she felt ac...