Chapter 8

171 47 0
                                    

"CONGRATULATIONS Miss Allegre, nakapasok ka sa tryouts for this year's cheerleading squad" ngiti niya na siya'ng ikinabilog ng dalawang mata ko. Tama ba narinig ko? O baka pinaprank lang ako nitong si couch?

Narinig ko yung bulong-bulongan ng ilang mga estudyanteng nagpursigi talagang sumali sa tryouts. Yung iba ay nagreklamo pa dahil di sila nakuha kanina

"A-ay hindi po ako nag audition hehe" bahagya pa akong tumawa para kahit papano ay mabawasan yung maliit na tension sa paligid

"But i saw you lately. Kabisado mo yung steps and i saw your potentials in cheerleading so you're in" kinamayan pa ako nito bago nagpa alam na aalis na daw. Lumapit naman si Ali sakin at inakbayan ako nito

"Napabilib mo si coach kanina gyiang" sinundot-sundot ko naman yung tagiliran niya dahil sa pambobola nito sakin

Bumalik na ulit yung dating sigla nito. Sa tingin ko ay maayos na ang pakiramdam niya dahil nagagawa na niya kong asarin ng ganyan

"Asahan kita bukas sa practice" ngiti niya bago kinuha yung mga papers na ginamit nila kanina sa critique at humarap sakin. Sumaludo naman ako sa kanya saka tumawa nalang bago ito tuluyang lumabas sa court

"Avaa! Wait" huminto naman ito habang bitbit yung packpack, towel at water bottle niya

"Ayos ka lang ba talaga?" Alalang tanong ko rito. Ngumiti naman ito sakin bago tumango ng dalawang beses

"Congrats Gaia, masaya ako para sayo" nginitian ko nalang siya pabalik bago ito nagpaalam na aalis na din

Binalikan ko muna yung bag ko mula dun sa inuupuan ko kanina. Inayos ko muna yung mga laman non dahil medyo magulo na nong nagmadali akong lumipat ng upuan kanina

"C-can you hold this for me?" Nag-aalinlangang tanong ni Kiro habang akap-akap yung grey na backpack nito. Nakatayo ito sa harap ko at may nakasabit na puti'ng towel sa kaliwang balikat niya

"Walang please?" Pangasar ko sa kanya pero imbis na mainis ay bigla nalang niya'ng  hinagis yung backpack at towel niya sakin. Buti nalang at agad kong nasalo yun. Mabilis naman siya'ng umalikod sakin at deretsong bumaba na papunta sa court.

Padabog naman akong umupo sa dati kong upuan at binagsak yung bag niya sa kabilang upuan na katabi ko lang din. Dapat siya yung naiinis sakin ngayon eh. Inis naman akong napatingin sa court kung saan nagsisimula na yung tryouts ng basketball team. Nakapila ngayon si Kiro sa likod ni Third

Nakapamewang ito ngayon habang pinapanuod yung isang studyante'ng naglalaro ngayon sa court. Napaka bossy talaga ng lalaking yun mag-tatanong tanong pa di rin naman ako makakahindi

Para namang may kayamanan dito sa backpack niya na di niya pwedeng iwan. Ang gaan-gaan kaya ng bag niya kanina

"Gaia!" Lumingon ako sa court ng marinig ko yung pangalan ko. Ipinasa na nong isang estudyante kay Third yung bola at marahan niya itong ni-dribble papunta sa gitna ng court

"Para sayo to" kumindat pa ito sakin sabay flying kiss bago nagtungo sa gitna ng court at naglaro na. Umirap nalang ako sa hangin at humalukipkip. Aish! kilabutan nga siya sa ginagawa niya. Pumito naman yung coach nila ng ma-shoot na nito yung bola sa ring kaya agad niya'ng binato yung bola kay Kiro na agad din naman nitong nasalo

Marahan nitong ni-dribble yung bola saka tumayo sa three-point line na nasa gitna'ng bahagi ng court. He bounce the ball twice before he shoots it at the basket. Tumama ito sa backboard kaya napangisi yung ilang estudyante kasama na si Third dahil sa biglaang pagshoot nito. Tatawa din sana ako kaso biglang umikot yung bola sa ibabaw ng basket at nagshoot yun sa loob mismo ng ring

Upon the Sunset (RPW SERIES 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon