Chapter 28

85 6 0
                                    

"LEI sta bene. Ovviamente sbrigati e torna qui al più presto" (she's fine. of course hurry up and come back here ASAP) pilit kong minulat ang dalawang mata ko ng marinig ang kalmadong bosses na yun

Inilibot ko ang paningin ko sa isang silid na nababalot ng kulay puti'ng tela. Dahan-dahan akong bumangon at agad na sinapo yung ulo ko ng makaramdam ng konting kirot. Wala akong idea kung paano ako napunta rito at kung anong laman ng IV bag na kasalukuyang naka konekta sa karayom na naka-turok sa kaliwang kamay ko

"Tito told me to guard you" sabi nito sabay pindot dun sa iPod niya

"You vomited last night for several times so  he got worried and he took you here" ibi-naba niya yung iPod na hawak at sinalubong yung tingin ko

Naalala ko na dun niya pala ko inuwi sa bahay niya kagabi. Gusto ko sana na mag pa-hatid sa condo ko para dun nalang mag-pahinga but he insisted na dun nalang daw sa bahay niya. Kailangan daw kasi ng mag-aalaga sakin lalo na at ilang besses na kong nag-suka dulot ng matinding kalasingan

Wala na rin akong nagawa dahil di ko naman magawang umuwi mag-isa. Bukod kasi sa wala akong kotse nakalimutan ko pa kung saan ko nilagay yung keycard ko. Besides malaki yung tiwala ko kay Kiro na wala siya'ng gagawing masama sakin kahit di ako ganon ka sigurado kung galit pa ba siya sakin or ano

"It contains IV fluids. It can help you to recover" he explained while pointing at the IV bag

"If you need anything just call me" ngumiti ako rito bago siya lumipat sa couch na nasa sulok ng kwarto. Gabriel grew up a lot. Kuhang-kuha nga nito yung ka-sungitan ng tito niya. Tumangkad din ito at mas lalong lumabas yung ka-gwapuhan niya sa tuwing hina-hawi nito yung ilang hibla ng buhok na gumu-gulo sa mukha niya

Napa-lingon ako ng mag ring yung phone ko kaya dali-dali kong kinuha yun sa ibabaw ng cabinet na katabi lang din ng hospital bed na siya'ng kina-uupuan ko

"Ate! Ano bang pinang-ga-gawa mo? Gusto mo ba talagang mamatay jan?" I giggled ng marinig ko yung sermon ni Gigi sa kabilang linya. Magka salubong ang dalawang kilay nito habang walang awat na pumu-putak sa harap ng camera

"I'm fine. Huminga pa ko" ngiti ko at bahagyang sumandal sa likuran ko

"You should be. Di ka pwedeng mamatay hanggat wala akong pamangkin sayo" ngumisi ito kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Tawagan ka raw mamaya ni papa lagot ka sa kanya!" Panakot nito kaya inirapan ko nalang siya

"Uhm may tanong ako" pinag dikit niya yung dalawang daliri niya na parang nag-a-alinlangang mag tanong

"Did you two just-" ngumuso ito ng dalawang besses. Is she asking if we've kissed?

"Gia!" Suway ko na siya'ng iki-natawa niya

"I have to go na ate! Mwahh!" Dali-dali nitong pinatay ang tawag dahil alam niya'ng sermon na ang kasunod non

Umiling nalang ako bago binalik yung phone ko sa ibabaw ng cabinet. Sa dalawang taon madalas niya kong kulitin tungkol samin ni Kiro kaya nong nalaman niya na nandito siya sa US ay parang nabuhayan siya ng loob na may pag-asa pa raw kaming mag-kabalikan

Gab clears his throat kaya binaling ko yung tingin ko sa kanya. Na-mu-mula ang magkabilang pisnge nito at nag-aalangan siya'ng magsalita

"Uhm, is it Gigi?" naka-yukong saad niya na para bang binata na nahihiyang umamin sa crush niya

"Gusto mo siya maka-usap? Tawagan ko-"

"No! No! Stop! i w-was just asking" tarantang aniya at mas lalo pa itong namula sabay iwas ng tingin sakin. Hindi ko alam kung bakit ako kinilig sa reaksiyon niya. Pakiramdam ko kasi may gusto siya sa kapatid ko or nahihiya lang siya'ng maki-pag usap

Upon the Sunset (RPW SERIES 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon