Chapter 13

122 39 0
                                    

KASALUKUYAN ako ngayong nakaupo sa sala kasama sina ate Kiesha at ang anak nitong si Gab. Abala ito sa paglalaro sa ipod niya at ang mama niya naman ay nagtutupi pa din ng mga damit at binabalik yun sa malaking maleta

Nakwento nito sakin na kakauwi lang daw nila ni Gab dito para mag-bakasyon habang naiwan naman sa Italy yung asawa nito dahil sa trabaho. Dito rin daw sila dumeretso kagabi kasi wala ng available na hotel rooms at Isa pa namiss daw nito yung bunso nila

Ilang beses na ko nitong inalok ng pagkain pero todo tanggi pa din ako. Maliban kasi sa busog pa ko di ko rin alam kung madi-digest ko ba yung kakainin ko

Tulala akong nakaupo sa harapan nila habang pilit na inaalis sa isip ko kung ano man yung nakita ko kanina.Hangang ngayon ramdam ko pa rin yung init sa pisnge ko at pilit ko pa ring pinapakalma yung puso ko na mabilis pa din yung tibok

Sa tuwing na aalala ko yung awkward na eksena kanina parang gusto ko nalang matunaw bigla sa harapan nila

[Flashback]

"If you're looking for him. Nasa kwarto siya puntahan mo nalang" ngiti ni ate Kiesha saka pinagpatuloy yung pagtutupi sa ilang piraso ng damit na naka patong sa crystal table nito

Nag thank you naman ako saka dumeretso na sa kwarto ni Kiro. Pinihit ko yung pinto at dahan-dahang inangat yung tingin ko

"D*MN" tipid na aniya kaya mabilis akong tumalikod at sinarado yung pinto. Sumandal ako sa dingding na nasa tabi lang ng pintuan habang hawak-hawak yung mukha ko na sa tingin ko ay namumula na

Marahas akong napapikit ng maalala yung nakita ko sa loob. Naka topless siya at tanging yung tuwalya na pinahiram ni mama yung ginawa nitong tapis. Basa pa yung katawan nito at halatang kakatapos lang niya maligo. Maganda yung hubog ng katawan niya. Halatang alangang-alaga itong mabuti. Matipuno yung balikat at dibdib nito at makikita din yung

I bite my lower lip as i barely hit my head on the wall. Bakit ba kasi di ako kumatok eh! Nakakahiya ka Gaiaa

"Uhm are you--alright?" Alinlangang tanong ni Gab habang yakap-yakap ang iPod nito at kunot ang nuo itong nakatingin sakin

"Ahh w-wala makati kasi ulo ko kinakamot ko lang" pagdadahilan ko dito pero mukhang di pa rin ito kumbinsido. So i raise my right hand before i speak

"Swear" ngumiti pa ako at tumango tango ng dalawang besses pero napailing lang ito

"You really are a crazy girl" aniya bago pumasok sa kwarto ng Tito niya.I sighed bago nagtungo sa sala at umupo sa couch

"Are you alright? Namumula ka" komento ni ate Kiesha saka sinarado yung maleta nila

"Ano lang po. Uhm nakagat po kasi ako ng lamok dun" sa tingin ko yan na yung pinaka walang kwentang dahilan na ginawa ko

"S-sure ka? Kasi buong mukha mo yung namumula--"

"Ano po kasi. Malaking lamok yung kumagat sakin. Oo tama malaking lamok talaga" pagputol ko sa sasabihin nito. Medyo nawala na yung kunot sa nuo nito at nagkibit balikat nalang bago bumalik sa ginagawa niya

"By the way Gaia. I wanted to thanked you for being my brother's friend. Mula kasi nong nasira yung family namin he lost his interest in everyone. He no longer shares his problem with us and ni minsan di siya nag open up samin" she tapped my shoulder as she shows her classic genuine smile

Upon the Sunset (RPW SERIES 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon