Chapter 12

127 43 2
                                    

PAGBALIK ko ng sala ay naabutan ko si Marelle na may kausap sa phone ko kaya mabilis akong bumaba at tinanong kung sino yung tumatawag.

"Si Kiro daw po ate. Inaantay ka sa labas" mabilis naman akong tumingin sa bintana at nakatayo nga dun si Kiro habang nakatayo sa tabi ng bike nito at hawak-hawak ang phone niya

Suot nito yung itim na leather jacket niya at basang-basa na ito dahil sa malakas na ulan. Ano namang ginagawa niya dito? Mabilis kong kinuha yung payong ko at nagmadali'ng lumabas ng bahay namin

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Kunot noo'ng tanong ko saka pinayungan na din siya

"Pwede bang pumasok na muna tayo?" Aniya sabay hawak sa hawakan ng payong at iginiya yun papasok ng bahay namin. Napatitig lang ako dun sa kamay naming magkadikit. Para kasing dumoble yung heart beat ko ng maramdaman yung balat niya na dumapo sakin. Napaigtad nalang ako ng itulak nito yung bewang ko papasok ng bahay gamit ang isa niya pang kamay

Nakatayo siya ngayon sa tapat ng pintuan at deretso nitong sinalubong yung mga tingin ko. Hinawi nito yung basa niya'ng buhok dahilan para mas ma exposed yung forehead niya.
Mabilis kong iniba ang dereksyon ng tingin ko ng may marinig akong tumikhim sa likuran namin

"di kami aware na may staring contest pala na magaganap ngayon" nakangising saad ni Marelle. Sinagi pa nito si Faith gamit ang bewang niya para hingin ang sagot nito

"Tuloy niyo na po. Di kami titingin"sabat naman nong isa at tinakpan pa yung labi niya para itago ang mapangasar nitong ngiti

"Tumigil kayong dalawa ah! Kung ayaw niyo'ng lumayas ng wala sa oras" banta ko naman. Tumawa lang ang mga ito sabay punta sa kusina

"Uhm. Ano nga ulit yung sasabihin mo?" Takang tanong ko saka bahagyang lumayo sa kanya.Napansin ko naman yung dalawa na nakasilip sa pintuan habang naka-ngising lumalamon ng chocolate bar.
Pinandilatan ko naman ang mga ito pero tanging mapangasar na ngiti lang ang sinagot ng mga yun sakin. Aish namana talaga ng mga yun yung bloodline ng pagiging chissmosa eh

"Pumunta ka bukas sa condo ko" seryusong saad nito kaya mabilis na kumunot yung nuo ko

"c-condo mo?" Tumango siya at hinawi ulit yung basang buhok niya. Bat ba parang hinuhukay yung sikmura ko pag ginagawa niya yun? Gutom na yata ko eh

"Anong- gagawin natin dun?" Takang tanong ko at dalawang besses na umatras. Ano ba Gaia! masyado kang assumera

"I'll print our thesis paper. Nasayo yung copy di ba?" Para'ng lumuwag naman yung lalamunan ng marinig yung totoo'ng pakay niya

"Yun lang naman pala eh! Sana tumawag ka nalang" inirapan ko ito saka tumandal sa pader na nasa tabi ko lang din

"Bakit? May gusto ka pa bang gawin natin?" Seryusong saad nito at unti-unting lumapit sakin

"Woi! Assumero ka din eh" tumigil siya sa harap ko bago humalukipkip

"You're not answering your phone Allegre" aniya. Naalala ko na naka silent pala yung phone ko mula kanina. Naka tingala ako ngayon sa kanya kasi mas matangkad siya sakin ng ilang inches. Swear ilang inches lang talaga

"Oh Kiro nandito ka pala" ngiti ni mama sabay lapag kay Gigi sa sahig. Mabilis naman akong umayos ng tayo at sinalubong yung kapatid ko na mabilis ding tumakbo papunta sakin kaya niyakap ko ito. Agad naman siya'ng kumawala sakin at sumunod kina Marelle na nakasilip pa din sa pinto ng kusina

"Good evening po Tita" magalang na bati nito. Sunod namang pumasok si papa at Gleia na naka uniform pa din hangang ngayon. Sana ol sinusundo sa school para isama bumili ng 'ulam'

Upon the Sunset (RPW SERIES 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon