Chapter 22

114 14 1
                                    

NAKA sakay ako ngayon ng jeep pauwi sa bahay namin. Buong araw na naka-kunot ang nuo ko dahil sa eksena'ng naabutan ko sa hallway ng school. Wala din akong natutunan sa mga lessons na tinuro sa amin kanina dahil nga hindi maalis sa isip ko yung pagyakap nito kay Tayra

Alas-singko na ng hapon at unti-unti ng nag-kukulay kahel ang langit. Siksikan na din yung jeep na sinasakyan ko at karamihan sa mga pasahero ay mga estudyante na pauwi na rin sa kani-kanilang mga tahanan

Nagtaka ako kung bakit hindi nagbukas sila mama ngayon eh mas maraming benta kapag lunes dahil mas maraming estudyante ang gustong bumili. Nagkibit balikat nalang ako at dumeretso na sa loob. Nanlaki ang mga mata ko ng makita yung pamilyar na bisikleta at naka sandal yun malapit sa bintana ng bahay namin

Kung hindi ako nagkakamali, ito yung bike na ginamit ni Kiro nong una ko siya'ng makita sa karenderia ni lola. Sumilip ako sa maliit na awang ng bintana para kumpirmahin kung tama ba yung iniisip ko. Tahimik na naka upo si Kiro sa pang-isahang sofa habang kaharap nito si papa na matamang nakatingin sa kanya

Nakayuko siya habang pinaglalaruan yung mga daliri niya ng dumating si mama at nilapag yung dalawang tasa ng kape. Umangat ito ng tingin at nagpasalamat na siya namang tinugon ni mama ng ngiti

"Ano tong kinu-kwento mo na may relasyon kayo ng anak ko?" Mahinahong tanong ni papa saka kinuha yung isang tasa at sumipsip ng kape. Nakita ko namang napalunok si Kiro bago ito umayos ng upo

"Totoo po yun sir, at handa po akong patunayan yung sarili ko sa inyo" buong tapang nito'ng hinarap si papa

Tumango naman yung isa bago nilapag yung tasa na hawak niya

"Ano bang pakay mo sa anak ko?" Ma-awtoridad ang bosses nito at mataman siya'ng tumingin sa dereksyon ni Kiro

"Sir, mahal ko po ang anak niyo at gagawin ko po yung lahat ng ipapagawa niyo para mapatunayan yung sinasabi ko sa inyo ngayon" agad akong napa-sandal sa dingding ng bahay namin ng muling marinig ang mga salitang binitawan nito na siya'ng nakapag pabilis ng pintig ng puso ko

"Pagmamahal ba yung tawag mo sa halos dalawang buwan na magkasama kayo? Marami pang mga bagay ang hindi niyo alam sa isat-isa at sa tingin mo ba kaya niyo'ng harapin yun?" Bahagyang tumaas yung bosses ni papa pero nanatiling kalmado yung itsura ni Kiro

"Alam ko po na hindi sapat yung isa o
dalawang buwan to conclude that i already love her. Pero di ko po kayang pigilan ang sinisigaw nito" tinuro nito ang dibdib kung saan naka-pwesto ang puso niya

"Everytime i saw her. My heart pumps as it losses it's control. I can't help but to smile every time her contagious smile was flashed into her angelic face. Sir,kung kinakailangan po na ligawan ko siya ulit gagawin ko just to prove you that i love her that much"

"At tungkol po dun sa sinasabi niyo'ng mga bagay na hindi pa namin alam tungkol sa isat-isa, marami pa po akong hininga. Handa po akong tanggapin yung mga negative sides niya at gagawin ko po ang best ko para intindihin at tulungan siya just to help her grow"Napatahimik silang tatlo sa sinabi nito. Miski ako ay napanganga sa speech niya eh hindi nga niya sinabi sakin yun eh. Akmang magsasalita na sana si papa ng hawakan ni mama yung balikat nito telling him that she 'must handle this' this time

Matamis na ngumiti si mama at dahan-dahang umupo sa tabi ni papa

"Alam mo naman siguro kung ano yung plano namin para kay Gaia diba?" Hindi ito sumagot at deretso lang itong tumingin sa mga mata ni mama

"Gusto namin na maka pag tapos siya ng pag-aaral para kahit papano ay mai-ahon niya yung sarili niya sa kahirapan. Kahit wag na kami, yung mga kapatid niya na lang kasi yun yung obligasyon naming magulang. Ang gabayan ang mga anak namin sa tamang landas at bigyan sila ng magandang buhay" bakas sa mga mata ni mama yung magkahalong lungkot at saya dahil sa mga salitang binitawan nito

Upon the Sunset (RPW SERIES 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon