Chapter 17

102 22 2
                                    

ALAS sais palang ng umaga at naka upo kami ngayon sa tapat ng karenderia ni lola habang nag kakape. Kasama ko si Faith, Jatjat at ang kakadating lang na si Marelle. Abala ang mga ito sa pag ihip sa mga kape nila habang ako naman ay nakatingala sa kapitbahay nila lola

Di ko maiwasang di mapa tingin sa bintana na nasa ikalawang palapag ng bahay kung saan nanggaling yung crumpled paper na may pangalan ni Neo. Tinadtad ko na din siya ng chat mula pa kagabi pero di pa rin siya active hangang ngayon

Humigop ako ng kape. Mabilis kong nilayo yun sa bibig ko dahil mainit pa pala. Yawa! Kay aga-aga lutang na naman ako

"Iniisip mo ba si kuya Yros?" Saad ni Faith. Nakatingin ito sakin habang pinapaikot yung kutsara sa ere

"Tss. Sinong Yros?" Taka kong tanong habang hinipan yung kape ko. May mapangasar na ngiti yung gumuhit sa labi ni Marelle

"Nako ate Gaia ah, di ka makuntento sa isang putahe masama yun" inirapan ko lang ito dahil wala naman talagang sense yung sinasabi niya

"May Kiro ka, May Neo pa tapos ano si kuya Yros? Dessert?" Ani Faith kaya mabilis kong kinuha yung papel na binalot sa pandesal at hinampas yun sa kanya

"Judger kayo! Kung pinapatay lang mga malisyosa na meet niyo na siguro si San Pedro" inis kong saad at humigop na ng kape

"Tas sasabihin niya samin na naligaw ata kami sa langit" dagdag ni Marelle na ikinatawa nalang namin

"Good morning Elen" ngiti ni Jatjat sa batang babae na kasama nito kahapon. Matamis naman itong ngumiti sa kanya bago lumapit

"Jatjat break na tayo" Saad niya. Tumayo naman yung pinsan ko at mabilis na dinampot yung dalawang kamay ng babae

"Akala ko ba girlpren na kita? Nag marry-marry me na ko sayo 'di ba?" Tumango naman yung bata bago hinubad yung singsing na bigay ni Jatjat

"Oo. Pero nakita ko kayo ni Ashley kahapon binigyan mo pa nga siya ng stick o eh! Kaya break na tayo" padabog nitong nilapag yung plastic na singsing sa mesa bago tuluyang umalis

"Elen! Let me explanation" dali-dali niyang nilapag yung tasa niya sa mesa at hinabol yung fiancee niya kuno

"Explanation amp*ta, kahit kailan talaga ate Marelle tanga yang kapatid mo" iling-iling na komento ni Faith at humigop ng kape. Binatukan ito ni Marelle bago nagsalita

"Bobo! Parehas lang naman kayo" malakas akong natawa at hinampas na naman ulit sila ng papel na balot ng pandesal

"Hi miss cutie pie, pabili akong coffee" nilingon ko yung pamilyar na bosses sa likod ko at nakitang nakatayo dun yung lalaking nagpunta din dito kahapon. If i am not mistaken he's Yros

"Uhm, mag order ka sa loob?" Saad ko saka tinuro yung counter table kung saan naka upo si lola at nag aantay ng orders ng ilang customers habang ang dalawang katulong naman nito yung taga serve at taga hugas

"Yeah. Of course. Sa loob" ngiti niya bago pumasok sa karenderia

"Yun ba yung sinasabi niyo'ng Yros?" Umupo ako at humarap kay Faith habang sinasawsaw nito yung pandesal sa kape niya. Tumango ito bago kinagat yung pandesal at mabilis na nilunok yun

"Sa'n ba- nakatira yun?" Alalang tanong ko

Ayoko namang isipin na siya si Neo. I jump into conclusions for several times at wala yung mabuting naidulot sakin. Tinuro niya yung bahay na katabi lang din nila lola. Sht! Dun din nanggaling yung papel kagabi eh. Huminga ako ng malalim para pakalmahin yung utak at sarili ko

Gulong-gulo nako ah. Una di naman ako sure kung may Neo na nakatira jan. Second, kung si Yros nga si Neo bakit malayo yung bosses niya sa narinig ko nong isang gabi? Aish maloloka na ko!

Upon the Sunset (RPW SERIES 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon