Chapter 25

78 9 0
                                    

NAKA-UPO kami ngayon sa tapat ng emergency room kung saan sinugod si lolo kaninang umaga. Nahirapan daw ito sa paghinga kaya agad na nag-panic si lola at tumawag na ng ambulansiya

Naka-sandal si papa sa pader si lola naman ay naka-upo lang sa gilid at magka-dikit ang dalawang palad nito praying for our lolo's health. Wala siya'ng tigil sa pag-iyak mula nong dumating kami ni papa kaya walang tigil kong hinagagod ang likod nito para tumahan

"Alam niyo namang bawal yun sa lechon bakit niyo pa pinakain" deretsong saad ni papa. Nakatingin ito sa labas para itago yung emosyon niya. Alam kong nag-aalala pa rin siya kay lolo pero ayaw niya lang ipakita yun

Patuloy pa rin sa pag-hikbi si lola na parang wala itong narinig. Kabisado na kasi niya si papa once na mag-dahilan pa ito sa kanya ay sigurado'ng hahanap pa rin ito ng paraan para hanapin ang mali niya

Ilang minuto pa ay lumabas na rin yung doctor bitbit yung results ng test na ginawa nila

"Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?" Sabay naman kaming tumango bago lumapit sa kanya

"Maayos na ang lagay niya for now. Na-i-transfer na rin siya namin sa isang ward para maka-pag pahinga siya ng maayos" he removed his specs as he hand us the test results

"Frankly speaking ma'am and sir, the patient needs an immediate surgical treatment since the plaque in the patient's artery already caused blockage that may lead on serious heart attack "

"Doc ano po ibig sabihin non?" Takang tanong ni lola sabay pahid sa magkabilang pisnge niya

"The patient has Coronary artery disease. Bunga po ito ng pagkain niya ng mga fatty foods that usually contains cholesterol, fibrin and fatty substances at kung hindi po siya ma-o-operahan ay malaki po yung possibility na ma-damage ang artery niya at maaari ring ma-limitahan ang pagdaloy ng dugo on his heart muscle that is probably leading in ischemia"

Biglang nanlambot ang mga tuhod ni lola dahil sa narinig nito kaya marahan namin siyang pina-upo sa isang stool

"Magkano po yung gastos na a-abutin?" tanong nito. Nanlalamig na ang mga palad niya at napansin kong nanginginig iyon. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya na magka-dikit para pakalmahin ito

"In operation we'll take Coronary artery bypass graft surgery. It means we will create a new path for blood to flow. We'll removes blood vessels from his chest and creates the new pathway to deliver oxygen-rich blood to his heart. It would cost three-hundrend-fifty thousand pesos kasama na yung mga prescribed medicines na kailangan" inayos nito ang kwelyo ng coat niya bago nagsalita ulit

"The hospital can help you regarding the hospital bill ma'am don't worry" ngumiti ito samin bago tuluyang umalis

"Gusto kong makita ang lolo mo" bulong sa akin ni lola. I tapped her shoulders for several times to hushed her but we end up going to his room. Binuksan ng nurse ang pinto at nakita naming nakaratay si lolo sa hospital bed at may naka-turok na dextrose sa kamay nito. They also placed a venturi mask to retain the carbon dioxide in his body and to supply oxygen as well

"G-gio" namamaos ang bosses nito habang tinatawag ang pangalan ni papa na naka-sandal lang sa pintuan

"Magpahinga po kayo kailangan niyo 'yan" malamig ang bosses nito at pilit siyang umiiwas ng tingin kay lolo

Walang ibang pasyente dito sa ward kaya sinabihan ko si lola na mag pahinga na muna sa bakanteng hospital bed na nasa tabi lang din ni lolo. Lumapit muna siya kay papa para sabihan itong maki-pag usap na muna kay lolo at magpapa-hinga na muna ito

"Ano po ba ang kailangan niyo?" Kalmado nitong tanong. Umupo siya sa stool na naka-pwesto sa gilid ng kama ni lolo. Inalalayan ko naman si lola na humiga para maka pag-pahinga din ito mula sa pag-iyak

Upon the Sunset (RPW SERIES 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon