Chapter 23

103 13 3
                                    

"HAPPY birthday Gigi!" Masayang bati namin dito at kasabay non ang pag ihip niya sa tatlong maliit na kandila sa ibabaw ng two-layer cake. Pumalakpak pa ito ng ilang besses sabay hawak sa laylayan ng dress niyang kulay pink

Kinantahan namin ito ng happy-birthday song na siya'ng ikinangiti niya. After that konting picture taking pagkatapos ay kumain na din kami. Simpleng celebration lang naman yung ginawa namin kaya friends and relatives lang yung invited 

Nakikita ko naman yung saya sa mga mata ni Gigi ng makita niya yung mga regalong nakatambak sa kabilang mesa. Mas lumapad ang ngiti nito ng makita niya si lola kaya nagmadali itong bumaba sa upuan at dali-daling niyakap yung binti ni lola

Tumawa naman yung isa saka bahagyang kinarga si Gigi pero agad din niya itong nilapag dahil masakit na yung balakang niya

"Ang bigat mo na apo" ngiti ni lola saka ginulo yung buhok nito. Nginitian lang siya ni Gigi bago sila dumeretso sa lamesa para kumuha ng pagkain

"buon compleanno" (Happy birthday) saad ni Gab. Inabot nito ang malaking box kay Gigi na agad naman nitong tinanggap

"talamat po" (salamat po) nakangiting sagot niya at niyakap ang box na naka-patong sa lap niya

"geez! sei così carino" (geez! You're so cute) ngiti ni ate Kiesha at marahang pinisil yung pisnge ni Gigi

"Si" (She is) segunda ni Gabriel na may kaunting ngiti sa mga labi. Mukhang namana niya ata yung pagka cold niya sa tito niya. Madalas na nagsasalita ng italian si Gab dahil di pa siya ganon ka bihasa sa pagsasalita ng tagalog. Mabuti nalang at nakakaintindi siya ng tagalog kaya di kami nahihirapang makipag usap sa kanya

"Here eat up" nilapag ni Kiro yung dalawang paper plates na puno ng pagkain saka siya umupo sa tabi ni Gigi

"Para ba sakin yan?" Ngiti ko at umupo din sa tabi ni Gigi habang yakap-yakap pa din nito yung regalo na bigay ni Gab

"Para to sa baby ko, kuha ka ng sayo" pagsusungit nito sakin saka binigay kay Gigi yung plastic na kutsara since marunong naman itong kumain mag-isa.

"Kahit kailan ang salbahe mo talaga" nakangusong saad ko sabay irap sa kanya

"I'm just kidding Allegre, kumain kana" ngiti nito sabay subo sakin ng isang kutsarang spaghetti

Napairap nalang ako sa hangin saka kinain yun. Bakit ba kasi sobrang rupok ko sa lalaking to eh

"Ikaw naman talaga yung baby ko at the first place" aniya as he wipe the corner of my lips using his thumb

"Gyiang, kumain ka nga ng maayos baldado ba yang kamay mo?" saad naman ni papa bago tuluyang umalis at nilapag yung mga dala niya'ng ilang case ng soft drinks

"Ikaw kasi" panisi ko pa sabay agaw dun sa plato ni Gigi

"What?" Natatawang tanong ni Kiro

Di ko nalang ito pinansin at nakihati nalang sa pagkain ni Gigi hangang sa maubos ito

Alas siete ng gabi at karamihan sa mga bisita ay umuwi na. Abala kami nila mama sa pagligpit ng mga kalat sa harap ng bahay namin habang sila ni papa at ang ilang mga kumpare niya ay umiinom at nag vi-videoke sa gilid

Sadyang nagpa-iwan si Kiro nong nagpaalam na sila tita Lora na uuwi na daw. Tutulong daw siya sa pagliligpit pero naka ilang shots na ata siya ng alak  habang naka upo ito sa tabi ni papa. Hawak nito ang microphone saka siya umayos ng tayo

Sandali akong napatigil sa pag lilinis ng marinig ko yung magandang bosses nito na kumakanta

Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
'Di ko man maisip
Sa pagtulog, ikaw ang panaginip

Upon the Sunset (RPW SERIES 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon