Kabanata 2

2 2 0
                                    

KATANUNGAN

NEZKA'S POV

"AKIN NA kasi yan!"

"Bakit ikaw ba nagluto nito?" Sagot naman ng kausap ko. "Sino ba ang bumili niyan sa lansangan? Di'ba ako naman?!"

"Oh tapos? Por que ikaw ang bumili sa'yo na 'to?" Sagot niya. "Ikaw ang bumili pero ako ang nagluto." Dagdag niya pa.

"Akin na kasi." Sagot kong muli.

"Bahala ka, akin 'to."

"Hindi akin..."

"Sinabing aki-"

Hinablot ko ito agad at kumuha ng iilan, ngunit agad din niya itong nakuha at dali-daling dumiretso sa kusina. Napailing-iling nalang ako. Dahil sa kawalan ng magagawa dahil sa susunod na bukas pa ang simula ng pasukan ay nan'dito kami sa loob ng aming sariling silid at nagpapahinga. Pinag laruan ko na lamang ang aking salamangka nang biglang may pumasok sa aming silid.

Eksakto rin nang biglang lumabas ang kasama ko mula sa kusina habang dala-dala ang pinag tatalunan naming pagkain. "Oh, ikaw pala ang bago naming kasama rito," Wika ng lalaking kasama ko. "Ipagpaumanhin mo ang aking pagiging walang galang, ako nga pala si Nasus," Sambit nito.

Ngumiti lamang ang babae sa kaniya.

Nabaling ang paningin niya sa akin.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Halos lahat ng parte ng katawan niya ay perpektong perpekto. Magmula sa mga mata nitong nagkikinangan sa dilim, ang makapal nitong pilik-mata at kilay, at ang nakakaagaw atensyon sa lahat ay ang kaniyang labi. Napaka-pula mula sa natural na katangian.

Bumaling ako sa kaniya.

"Sinusuri lamang kita baka isa kang kalaban ka o espiya ng kung sino." Sambit ko. Biglang itong ngumiti sa'kin.

"Nezka." Pagpapakilala ko sabay ngiti.

Kaniyang inilibot ang kaniyang paningin sa buong silid at tila sinusuri ang bawat sulok, parte, at bahagi ng silid na ito.

Napakunot ako sa kaniya.

"Pwedeng bang malaman ang pangalan mo?" Tanong ko sa rito.

Panandalian itong huminto at bumaling sa akin ng nakangiti, bago tuluyang pumasok sa sariling silid.

"Ang pangalan ko ay Eirah." Sagot nito.

Sa unang pagkakataon ay parang ngayon lamang ako nakakita ng mala anghel na ngiti. Hindi ko alam kung anong meron sa babaeng ito subalit parang nagniningning siya sa'king mga mata.

"Grabe, ang ganda niya," Biglang sambit ng kasama kong lalaki. Nawala ang atensyon ko sa aking iniisip at biglang nabaling sa kaniya.

Binatukan ko siya.

"A-Aray, a-aray ano ba! Inaano ba kita?!" Sagot nito habang hinihimas himas ang kaniyang ulo.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may bagong kasama tayo?" Tanong ko sa kaniya. "At may pa ang ganda ganda ka pang nalalaman, 'ah!" Dagdag ko pa.

"Talaga naman ang ganda niya, e, at k-kasi... Nakalimutan kong sabihin sa iyo, paumanhin," Sagot nito.

"Hoy ikaw Nasus, huwag mong isama ang bagong kasama natin sa koleksyon mo ng mga babae." Sigaw ko sa kaniya.

Napasinghap siya.

"Hoy Nezka, masiyado ka naman yatang mapanghusga," Sagot nito. "Koleksiyon? Eh, wala pa nga akong naging kasintahan."

THE CONJURERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon