Kabanata 15

0 0 0
                                    

"May gusto ka ba sa akin?..."

KABOG. 'Yan ngayon ang nararamdaman ni Siru matapos marinig ang tanong ni Eirah sa kaniya. Napakabilis ng kabog ng kaniyang dibdib at naghuhumirantado ito sa bilis ng pagtibok. Hindi nito batid kung bakit nagkakaganito siya, subalit kakaiba ang kaniyang pakiramdam. Parang may kung ano sa kaniya ang natutuwa, nakakakaba, naiilang, at kinikilig. Ngunit napaisip ito saglit. May gusto nga ba siya sa kaniya? ani niya sa kaniyang sarili.

"Ano Siru?" Muling tugon ni Eirah sa kaniya.

Hindi tuloy ito makatingin ng maayos sa kaniya sapagkat nakaramdam ito ng pagkailang at baka makita pa ng dalaga ang pamumula ng kaniyang mukha dahil sa sinabi nito. 'Anong bang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito?' tanong nito sa kaniyang sarili.

"Siru?"

Ngayo'y napatingin na siya sa dalaga. "Bakit mo naman naitanong iyan?" tanong nito sa dalaga at nais na ibahin ang pinag-uusapan.

Pinaningkitan siya ng mata ng dalaga. "Huwag mong ibahin ang tanong ko Siru! Simple lamang ang tinatanong ko sa'yo... Ano nga bang sagot mo?" naghihintay nitong tanong.

Napaisip ang binata dahil sa sinabi niya. Totoo nga bang may gusto ito sa dalaga? Sapat na nga ba ang pagbilis ng kabog ng kaniyang dibdib sa tuwing kausap niya ito? Sapat na nga rin kayang sabihing may gusto siya sa dalaga sa tuwing nakakaramdam siya ng pag-kainis kapag may kausap itong ibang lalaki? Sapat na bang basehan ang mga iyon?

Napapikit siya dahil rito, at pilit pinapakalma ang sarili. Mamaya-maya pa'y biglang nagsalita si Eirah. "Maaari mo namang sabihin sa akin na may nararamdaman ka nga pa—"

"Wala akong gusto sa iyo." Iyon lang ang naitugon ng binata kay Eirah. Bahagya pang nagulat si Eirah pagbabago ng boses nito. Napakalamig at napaka seryoso.

Napangiwi ito sa binata. "Kung gayon ay bakit nagkakaganito ka kapag may kinakausap akong iba?" ani ng dalaga sa kaniya.

Huminga pa siya ng malalim bago tumugon sa tanong nito.

"Dahil—"

"A-AHHH!... TULONG! TULONG! TULUNGAN NIYO AKO... MAY HALIMAW! AHHH!!!"

Napatakbo agad ang dalawa matapos marinig ang biglaang pagsigaw ng kanilang kasama na kanina'y nagtatampisaw sa tubig. Naabutan nila si Reyn na napapaatras at nangangatog ang tuhod dahil sa takot.

May isang malaking itim na aso ang papa- lapit ng papalapit sa kaniya dahilan upang hindi siya makapag-isip ng maayos, at matumba dahil sa napatid ito ng isang ugat. Akmang susugurin ito ni Rim, ngunit agad napansin ng nilalang na ito ang kaniyang presensya kung kaya't bigla siyang sinugod nito at napatalsik matapos banggain ng matigas na ulo nito.

Napasigaw dahil sa pangamba si Reyn at agad naman siyang nilapitan at tinulungan ng kaniyang mga kasamang babae maliban kay Eirah. Agad lumapit si Eirah kay Rim gayon din si Siru upang tulungan itong makatayo. Nanatili naman sa tabi ng mga babae ang dalawang binatang sina Timmy at Nasus upang bantayan ang bawat isa sa kanila.

Akmang susugod muli ang nilalang na ito sa kina roroonan nina Eirah ng bigla itong matumba sa kaniyang kinatatayuan. Bumagsak ito sa kaniyang puwesto, kasabay ng pagtulo ng kaniyang dugo dahil sa may nakatarak na pana sa dibdib nito. Nabaling ang paningin ng lahat sa likod ng walang buhay na nilalang na ito ng may isang salamang- kero ang nakatayo mula rito.

THE CONJURERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon