PAGTATAGPO
TIMMY'S POV
NAGSIMULA NA ang labanan at ito ako'y prenteng nakaupo sa taas ng isang puno habang pinapanood silang naglalaban. Kanina pa ako narito, ngunit hindi ko gustong makihalubilo sa mga kapwa ko estudyanteng nanonood ng laban. Base sa mga napanood ko ay karamihan sa mga ito ay inuunahan agad ng kaba kung kaya't hindi nila magawa at mabigkas ng maayos ang kanilang salamangka.
Rito ako nakatira sa kabihasnan ng Roialté subalit kahit ganon pa man ay bihira lamang akong lumabas ng aming tahanan dahil na rin sa ayaw kong makisalamuha sa mga katulad kong salamangkero. Karamihan sa mga taong nasasalubong ko ay biglang yuyukod sa akin at titingala na animo'y nakakita ng isang makisig na anghel na mukha.
Ngunit sa paglampas ko sa kanila ay doon mo makikitang pakitang tao lamang pala ang kanilang ipinapakita at ibinibigay na galang. Karamihan sa naririnig kong bulung-bulungan ay hindi raw ako tunay na anak ng aking ama. Subalit hindi ko na lamang pinapansin iyon sapagkat wala namang katotohanan ang mga iyon at sa halip ay hindi ko na lamang iniisip.
Ako'y anak ng ikaunang konseho at alam ng lahat kung gano kabait ang aking ama sa lahat ng mga salamangkero. Parati nito akong binibilinan na maging isang huwarang salamangkero at huwag maging kaaway ng sinuman. Si ama ang pinakamataas sa labindalawang konseho pagdating sa posisiyon at pagdedesisyon.
Ngunit kahit ganon pa man ay hindi man lang nitong inisip na maging ganid sa kapangyarihan at sakupin ang ibang mga salamangkero sa ilalim ng kaniyang pamumuno, kaya naman hangang-hanga talaga ako kay ama.
Mula nang isinilang ako ay siya lamang ang aking nakagisnan at nakasanayan, paulit-ulit kong itinatanong sa kaniya kung saan ang aking ina subalit ang tanging tugon lamang nito ay namatay sa pagkapanganak sa akin. Ilang beses ko na itong itinanong sa kaniya subalit ganon pa rin ang kaniyang sagot. Alam kong hindi pa patay ang aking ina kaya naman pinapaulit-ulit ko ang tanong ko sa kaniya sa kagustuhang makakuha ng sagot.
Ngunit walang pangalan ninuman ang lumalabas sa kaniyang bibig, at ang kaniyang sinasabi lamang ay ang dahilan ng pagkamatay nito. Kaya naman patuloy akong nag-iisip kung paano ko ito mahahanap ng di nalalaman ni ama. At ang una kong tanong ay anong pangalan niya?
"exire hydōr." sambit ni Nezka.
Agad nabaling ang atensyon ko sa dalawang naglalaban na ito. Mula sa kalangitan ay may bumulusok na tubig patungo sa baba, agad namang ikinumpas ni Nezka ang kaniyang kanang kamay at itinuro ang kinaroroonan ni Rim. Ang mga tubig na ito ay nagsisunod kay Nezka at tumungo sa kinapupwestuhan ni Rim. Nabaling ang atensyon ko kay Rim, wala man lang akong makitang nikatiting na emosyon sa kaniyang mukha at talagang diretsong nakatingin lamang ito sa salamangkang inilabas ni Nezka. Nang ilang metro na lamang ito kay Rim ay nagsimula na itong magbanggit ng kaniyang salamangka.
"frēosan is." banggit nito.
Ang kaninang mga tubig na patungo sa kaniya ay naging isang tipak na yelo na at agad naman nitong ikinumpas ang kaniyang kamay pabalik sa kinaroroonan ni Nezka. Maraming salamangkero ang nakakasaksi sa ipinapamalas nilang labanan.
"sttypē." pangontrang bigkas ni Nezka.
Nagsibagsakan ang mga ito sa lupa at ang kaninang tipak ng yelo ay tuluyan ng nalusaw at bumalik sa dati nitong anyo na isang kumpol na tubig. Agad nagtinginan ang dalawa at pawang napangisi sa isa't-isa, iniisip sigurong hindi sila magpapatalo sa kanino man. Mula rito sa aking kinapupwestuhan ay tanaw ko ang iba pa naming kasamahan na tutok na tutok na nanonood sa kanilang dalawa. Sino ba naman ang hindi mababaling ang atensyon sa kanila kung ang kanilang mga salamangkang ipinapakita ay kahanga-hanga dagdag pa na anak sila ng mga konseho, kaya naman hindi talagang maikakaila na magagaling sila.
BINABASA MO ANG
THE CONJURERS (COMPLETED)
FantasiaSTAND ALONE STORY: [ONLY ONE FANTASY STORY THAT I WROTE] When the world surrounded by magic, what will happen? Eirah was an adopted child by an ordinary magician who's living in a small village far away from civilization, she thought her life will b...