SALOT
REYN'S POV
"NGAYON ANG araw ng unang pasok niyo sa akademya ngunit heto't ikaw nakahiga pa rin?!"
"Ayoko munang pumasok ina, wala naman akong natutunan roon, e."
"Bumangon ka na at pumunta roon bago ka pa masarahan ng tarangkahan."
"E, ayaw ko nga kas-"
"REYN BUMANGON KA NA!"
Napatayo ako dahil sa gulat nang biglang may sumigaw sa pintuan ng aking silid. Agad nanlalaki ang aking mata nang matanaw si ama na masamang nakatitig sa akin habang si ina naman ay pana'y ang buntong-hininga.
Napalunok ako.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto nang hindi man lang sila tinapunan ng tingin dahil sa takot kong awayin ako ni ama. Wala pa naman akong laban sa kaniya pagdating sa salamangka. Hindi niya kasi ako tinuturuan. Napakadaya ng mundong ito.
"Naka-ayos na ang iyong mga gamit." Panimula ni ina habang kumakain kami sa hapag-kainan.
"Kagabi ay inayos ko na ito sapagkat doon kayo tutuloy sa loob ng Akademya."
''Hindi 'ho ba pwedeng umuwi rit-"
"Pakiusap Reyn, patapusin mo muna ang iyong ina sa pagsasalita bago ka sumabat." Agarang tugon ni ama. Napatahimik na lamang ako at napayuko. Bumuntong-hininga muli si Ina.
Tumingin ito sa akin.
"Dahil sa mga kaganapan sa mga nagdaang araw ay napagdesisyunan ng mga konseho na mas maigi kung doon na lamang kayo tumuloy upang sa inyong sariling kaligtasan." Tugon nito.
Tumango lamang ako sa kaniya sinyales na naiintindihan ko.
Tumingin ako kay Ama.
Tumango lang din ito. Hindi ko maiikakailang strikto si ama pagdating sa akin, ngunit ni minsan ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kaniya dahil lamang sa pagiging seryoso at strikto niya. Ganito talaga siya, kahit na sa loob pa sila ng silid ng konseho, kaya nga lahat ng mga salamangkerong nadadaanan siya ay nagbibigay talaga ng galang sa kaniya upang hindi matuunan ng pansin o masita ni ama.
"Nabalitaan ko nakaraan na may hindi magandang nangyari sa Sentro ng Roialté,'' Panimula ni Ama. "May isang salamangkero raw ang gumawa ng isang salot sa kabihasnan na nagdulot ng takot sa karamihan." Dagdag pa nito.
Napatingin ako sa kaniya.
Kailan ito nangyari?
Kumunot ang aking noo. "Mabuti na lamang ay naroon ang anak ng ikalawang konseho upang sugpuin agad iyon." Sagot naman ni Ina habang patuloy sa pagkain.
Si Nezka? O, baka naman si Nasus? O pareho silang dalawa?
Nakinig na lamang ako sa kanilang pinag-uusapan. Tumigil sa pagkain si Ama at tumingin kay Ina.
"Ngunit ang nakarating sa akin na balita ay hindi mga anak ng Ikalawang konseho ang nakasugpo sa salot." Sumbat naman ni ama. Biglang napatingin sa kaniya si Ina na may pagtataka at kahit na ako.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Kunot-noong tanong ni Ina kay Ama.
''Ang balita ko'y bagong estudyante ng Akademya ang nakapatay sa salot na ito," Sagot ni ama. "At sa 'di inaasahan ay kasama ito ng dalawang anak ng ikalawang konseho sa iisang silid kaya naman magkilala sila at tinulungan sila nito." Tugon pa nito.
Tumingin ito sa akin.
"Nais kong alamin mo ang ngalan ng estudyanteng iyon," Tugon ni Ama sa akin. " Isa siyang bayani kung ganoon." Dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
THE CONJURERS (COMPLETED)
FantezieSTAND ALONE STORY: [ONLY ONE FANTASY STORY THAT I WROTE] When the world surrounded by magic, what will happen? Eirah was an adopted child by an ordinary magician who's living in a small village far away from civilization, she thought her life will b...