Kabanata 6

1 2 0
                                    

ANG UNANG ARAW SA AKADEMYA

RIM'S POV

NGAYON ay unang araw ng pasok namin rito sa Akademya. Ilang araw na rin kaming nakatambay rito sa loob at ilang kapalpakan na rin ang aming nagawa. Kaming mga anak ng konseho pa. Subalit kahit ganon pa man, napatunayan kong may mga kaibigan akong handang tulungan ako, kami, o sino man sa amin sa kahit na anong pagka kamaling nagawa namin. Napangiti ako sa sarili ko.

Subalit hindi pa rin mawala sa isip ko ang kasamang babae ni Nezka at Nasus, hindi ko maiikakailang mas magaling at mas malakas pa ito sa amin. Hindi ko rin alam ang pagkatao nito gayong sila Nezka lamang ang nakakaalam at nakakakilala rito. Siguro'y hindi pa rin ito kilala ng iba pa naming kasamahan. Napailing-iling nalang ako.

Kasulukuyan akong narito sa aking silid. Kagigising ko lamang subalit hindi pa rin ako lumalabas. Palagay ko'y gising na rin ang aking mga kasama sa kani-kanilang silid. Sina Zandee at Reyn. Pagkatapos ng nangyari kahapon ay dumiretso agad kami rito. Naabutan kaming dalawa ni Reyn rito ni Zandee na malukot ang sari-sariling mukha. Tinanong pa nga kami nito kung anong nangyari kaya sinabi namin sa kaniya ang totoo, kaya naman, pinagsabihan tuloy kaming dalawa ni Reyn. Pagkapasok ni Zandee sa kaniyang silid ay kaming dalawa na naman ni Reyn ang nagbangayan. Sinisisi ang bawat isa kung sino ang nagpasimula ng gulo. Sa huli ay napagod din kami at tumawa nalang sa bawat isa dahil sa mga katangahang nagawa. Pagkatapos noon ay pumanhik na kami sa aming sari-sariling silid.

"Rim gising ka na?" biglang sambit ng nasa labas.

Tumingin ako sa may pintuan.

"Oo, lalabas na rin ako mamaya-maya," sagot ko rito. Boses iyon ni Zandee, siguro'y katulad ko ay maaga rin itong nagising. At sa palagay ko rin ay tulog pa ang isang kasama namin. Ako ay anak ng ikatlong konseho at si Zandee naman ay anak ng Ikaapat na konseho na sumunod naman sa kaniya si Reyn na anak ng Ikalimang konseho. Ang pinakaistrikto at may nakakatakot na awra.

Bumangon na ako at lumabas, pagtungo ko sa kusina ay naabutan ko si Zandee na naghahanda ng kaniyang makakain bago pumasok sa Akademya, sa aming silid-paaralan. "Hindi pa gising si Reyn?" tanong ko rito habang kumukuha ng kapiraso ng tinapay. Tumigil ito sa pagkain at napabuntong-hininga. "Hindi ka pa ba nasasanay sa kaniya? Kaya nga't lagi siyang pinapagalitan ng kaniyang ama ay dahil sa matakaw siya sa tulog," sagot nito.

Napatawa nalang ako sa kaloob-looban ko.

Alam kong laging nagbabangayan ang ama ni Reyn at pati na rin siya dahil sa kaniyang pag uugali, sa pagiging matulugin niya o kaya naman ay antukin. Gusto kasi ng kaniyang ama ay maging isang huwarang salamangkero rin siya, kaya naman ngayon palang ay sinasaway na ng kaniyang mga magulang ang kaniyang mga pagkakamali upang sa pagdating ng araw ay siya ring papalit sa puwesto ng kaniyang ama na isang marangal na salamangkero na. Ngunit kahit ganito pa man siya, iba pa rin ang kaniyang dating sa akin, hindi pa rin mababago ang pag-ibig kong nararamdaman para sa kaniya.

Kumain na lamang ako upang maibsan ang aking pagpapantasya.

Sa mga sumunod na oras ay narito na kami kasama si Reyn sa harap ng Akademya. Ipinagbilin kasi na bago muna makapasok sa sari-sariling silid ay may sasabihin pa ang pinaka-mataas na namumuno rito sa Akademya. Hindi ko alam kung importante ba ito o ano? Pagkarating namin rito ay kukunti pa lamang ang mga estudyante subalit habang tumatagal ay dumarami na rin kami. Hindi ko rin napansin sina Nezka kung narito na ba dahil sa pagka-abala ko sa pagtingin sa paligid at sa mga estudyanteng nagkukumpulan.

"Magandang umaga mga estudyante ng Akademya.'' biglang sambit ng sino man. Biglang nagsitahimikan ang paligid at takang nagpalinga-linga ng tingin kung saan nanggagaling ang boses na iyon. "Ako ba'y hinahanap niyo?" muling sambit nito habang nahahalata sa kaniyang boses ang kaniyang pagtawa ng mahina. Nangunot ang noo ko nang hindi ko malaman kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

THE CONJURERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon