ANG UNANG LABAN
SIRU'S POV
NAGSIMULA ng magsitunguhan ang mga mag-aaral ng iba't-ibang mga kabihasnan sa Akademya upang magparehistro at matuto ng iba pang mga mahika. Samantalang ako'y nakahiga lamang rito sa aking malambot na higaan at malawak na silid habang napapalibutan ng mga nagsisikinangang mga diyamante at pinagsama samang ginto at iba pa. At sa tuwing lalabas naman ako ng aking silid ay puro mga manglilingkod ang aking mga nakakasalamuha kung saan-saan.
"Mahal na prinsipe kailangan niyo na pong pumaroon sa Akademya upang pumasok," biglang sambit ng isang tagapaglingkod habang nakayuko. Hindi ako sumagot rito at hinayaang umalis ito mula sa aking silid. Tamang-tama dahil wala naman akong gagawin rito at oras na rin upang muling magpasikat. Nasasabik na rin akong makitang muli ang aking mga kasamahan.
Agad akong tumayo at pumanhik palabas ng aking silid. Tumungo agad ako sa silid-kainan kung saan naroon ang aking mga magulang na ngayo'y kumakain. Agad akong nakita ng mga manglilingkod kung kaya't napansin ako ni Ama at Ina. "Magandang umaga Ina, A-ama..." Panimulang bati ko rito. Agad tumayo si Ina at pinagbigyan ako ng upuan samantalang tanging tango lamang ang iginanti ni Ama.
"Mukhang maganda ang gising ng aking binata?!" Pagpupuri sa akin ni Ina habang patuloy lamang sa pagkain. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti.
"Oo Ina sapagkat kailangan ko ng magtungo sa Akademya upang mag-aral ng mga panibagong salamangka," nakangiting tugon ko sa kaniya. "Masaya nga kung ganoon. Kailan ka ba magtutungo roon?"
"Ngayon din po ay patutungo na agad ako roon."
"Sige, ngayon din ay patutungo ka roon," sambit ni Ina. Napatingin ako kay Ama ng mapansing tahimik lamang ito. Napatingin rin ito sa akin at nagsalita.
"Wala na akong magagawa sapagkat nagdesisyon na ang iyong Ina," Sagot nito. Natahimik na lamang ako. Pagkatapos kong kumain ay bumalik agad ako sa aking silid upang ihanda ang aking mga dadalhin pagtungo sa Akademya. Agad kong isinilid sa aking sisidlan ang mga importanteng bagay na dadalhin ko.
"Maari ba akong pumasok?" Biglang sambit ng sinuman sa may pintuan ng aking silid. Agad akong napatingin sa pintuan at nakita ko si Ama na marahang nakatingin sa akin. Agad akong sumagot rito.
"Pumasok po kayo Ama."
Naglakad ito at umupo sa may tabi ko. Agad akong natahimik at hinihintay ang kaniyang sasabihin. Mga ilang saglit na wala pa rin akong naririnig ay bigla itong bumuntong-hininga.
"Alam kong may galit ka sa akin, subalit narito lamang ako upang puntahan ka dahil aalis ka na mamaya-maya," Sambit nito. Nagugulat akong tumingin sa kaniya sapagkat matagal na iyon at hindi ko na inisip pang muli.
"H-hindi n-naman a-ama..."
"Huwag na nating pag-usapan kung ganoon." napatitig ako rito. "Nais ko lamang sabihin sa iyo na mag-iingat ka roon," paunang bigkas nito. "Isa kang maharlika kung kaya't alagaan mo ang iyong sarili."
"Opo Ama." maikli kong sagot.
"Maaring may mga panahon na hindi tayo nagkakasundo, subalit huwag mo sanang isipin na may galit ako sayo."
"A-lam k-ko n-naman i-iyon A-ama..."
"Ang gusto ko ay ipangako mo sa sarili mo na hindi ka magmamataas sa kahit kanino man kapag naroon kana," napaisip ako sandali at tatango-tangong sumagot. May pag-aalinlangan man sa aking sarili ay pinangako ko pa rin kahit na alam ko sa sarili ko na may mga araw na hindi talaga natin ito maiiwasan.
Na hindi ko maiiwasan.
"Iyon lamang at babalik na ako sa silid namin ng iyong Ina," tumango lamang ako dito sinyales na maaari na siyang umalis. Tumayo ito mula sa kaniyang pinagkakaupuan at dahan-dahang lumakad. Nang makarating ito sa pinto ng aking silid ay biglang lumingon ito sa akin.
BINABASA MO ANG
THE CONJURERS (COMPLETED)
FantasySTAND ALONE STORY: [ONLY ONE FANTASY STORY THAT I WROTE] When the world surrounded by magic, what will happen? Eirah was an adopted child by an ordinary magician who's living in a small village far away from civilization, she thought her life will b...