Kabanata 11

0 0 0
                                    

NGAYON ANG araw at oras upang tumungo kami sa Potio upang sundin ang mga ibinilin sa amin ni Ginoong Hakim. Maaga pa lang ay naghanda na ako ng aking dadalhin patungo roon. Hindi ko alam kung gising na ba ang mga kasama ko sapagkat wala pa naman akong naririnig na kahit anong ingay sa labas ng aking silid.

Habang nagliligpit ako ay nabaling ang paningin ko sa aking alaga. Ngayon ay nakahiga ito sa ibaba ng aking higaan at mahimbing na natutulog. Hindi pa rin ako makapaniwala ng makita ko ito sa loob ng aming silid-aralan at kung paano ito lumaki nalang bigla. Naguguluhan man ay hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin lalo na't may natuklasan kami ni Siru kahapon.

Naalala ko tuloy si Siru.

Hindi ko maikakailang napangiti ako sa mga nangyari sa akin kahapon at sa tuwing iisipin ko ulit iyon ay parang may kung ano sa aking tiyan ang kumikiliti sa akin.

Napangiti na lamang muli ako.

Matapos kong ayusin ang aking mga gamit ay agad kong kinuha at hinaplos ang nabili kong walis sa Potio na kung saan ay aming pupuntahan ngayon. Lumabas na ako ng aking silid at tamang-tama rin na kakalabas rin ni Nezka at Nasus mula sa kanilang sari-sariling silid.

"Mukhang lahat ay nakapaghanda na. Halina't magmadali tayo," wika ni Nezka.

"Sigurado akong naghihintay na sila roon sa may tarangkahan," ani naman ni Nasus.

Tanging tango lamang ang ibinaling ko kay Nezka at pilit na ngiti lamang kay Nasus. Agad kaming lumabas at nagtungo sa tarangkahan ng Akademya. Makailang sandali pa nang makarating kami roon, at gaya nga ng inaasahan, ang bawat kaklase namin ay naroon na at naghihintay na lamang na pagbuksan ng tarangkahan. Ngayon kasi napagdesisyunan ng bawat isa na magtungo sa Potio upang gawin ang ipinag-uutos ni Ginoong Hakim.

Napakunot ako ng noo ng makailang sandali na ang lumipas ay hindi pa rin kami pinagbubuksan ng tarangkahan. Ang akala ko ay pagkarating namin rito ay pararaanin agad kami. Tumagal pa ito ng ilang sandali bago binuksan ng mga guwardiya. Pagkaraan namin roon ay doon ko lamang napagtanto na kaya pala hindi kami agad pinaraan sapagkat may tamang oras sa pagbubukas nito.

Ng makalabas kami ay agad kong hinawakan ang aking walis at ipinaharap sa akin. Gaya nang inaasahan, umupo ako rito at unti-unti ng umaangat sa ere. Gaya nang iba, ay nagsipagliparan din sila subalit ang iba naman ay gumamit ng kanilang mahika na 'hangin' upang makalipad.

'Mauubos lamang ang kanilang enerhiya dahil riyan!'

Nagpalinga-linga ako sa paligid ko ng matantong hindi ko nakita ang iba pang kaibigan nina Nezka. Pati nga pala sila ay hindi ko rin makita. Na'saan na kaya ang mga iyon?

Nakaabot kami sa kabihasnan ng Potio ng hindi ko man lang sila nakita. Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin pa, at sa halip ay naglakad-lakad ako upang bumili ng aking gagamitin sa aking gagawin ng potion. Ilang mga sandali rin akong naglilibot-libot hanggang sa mapako ang atensyon ko sa isang tindahang magarbo at makulay. Maraming mga estudyante ang nagsipasukan rito dahil botika pala ito ng mga potion.

Lumapit ako roon at pumasok.

Naglibot-libot ako sa loob nito, nagbabaka-sakaling may makaagaw ng atensyon ko na aking magagamit sa aking gagawing potion. Tumagal ng ilang sandali bago ako nakarating sa pinakadulo ng tindahang ito. Tanaw ko mula rito ang liwanag na nagmumula mula sa pasukan nito. Napansin kong may kadiliman rito kung kaya't tumawag ako ng mga maliliit na nilalang upang magbigay liwanag sa akin.

Napakunot ang noo ko habang sinusuri ang bawat mga sangkap na iyon nang makitang kakaiba ang kanilang mga letra. Parang mga linya o guhit na may pahaba, pabilog, pabaluktot, at patayo.

THE CONJURERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon