Kabanata 1

6 3 0
                                    

PAKAY

EIRAH'S POV

ANG MUNDONG kinabibilangan ko ay binubuo ng apat na kabihasnan. Tinatawag itong Potio, Armure, Roialté, at Sentroí.

Ang kabihasnan ng Potio ay ang tahanan ng mga salamangkerong mga negosyante. Dito matatagpuan ang bilihan ng mga palamuti, potions, at iba pang mga nakakaakit ng bagay. Dito nakatira ang mga natural na salamangkero.

Ang kabihasnan ng Armure ay ang lugar ng mga kawal at mandirigma, rito naninirahan ang mga salamangkerong ipinapadala sa may mga kaganapang kaguluhan. Dito rin makakabili ng mga sandatang gawa sa metal.

Samantala, ang kabihasnan ng Roialté ay ang lugar o tahanan ng mga opisyales ng konseho, dito rin naninirahan ang kanilang mga pamilya, at mga anak. Tinatawag rin silang mga maharlika dahil sa katungkulan nila sa kaharian.

Ang Sentroí ay ang pinakasentrong kabihasnan, dito matatagpuan ang kaharian at kung saan naninirahan ang hari at reyna kasama na rin ang kanilang anak. Kasamang numumuno ng hari at reyna ang labindalawang konseho upang mapanitili ang kaayusan sa lugar.

At ako? Saan ba ako nararapat? Sa Potio? Armure? Roialté? O, baka naman sa Sentroí? Saan nga ba ako nabibilang? Basta ang alam ko lang ay mas nakakahigit ako sa kanila.

"Talagang bang aalis ka na talaga?" Tanong sa'kin ng kausap ko.

"Opo," Maikli kong sagot.

"Hindi ka na ba mapipigilan?" Tanong nito na tila'y malapit ng tutulo ang kaniyang luha. Tumingin ako sa kaniya at huminga ng malalim.

Bumuntong-hininga ako.

"Huwag na kayong malungkot," Pagpapatahan ko.

"Basta mag-ingat ka at huwag mong pababayaan ang iyong sarili, sapagkat nagkalat na ang masasama roon." paalala niya sakin habang inihahanda ang aking mga gamit. Ngumiti ako sa kaniya. "Mag-iingat po ako roon.'' Nakangiti kong tugon.

"Basta 'pag nahanap mo na ang hinahanap mo, bumalik ka na rito, 'ah?" Ayun na naman ang kaniyang napipiyok na boses. "Pangako babalik ako," Nakapanata kong kamay sinyales na tutuparin ko ang aking pangako.

"Mamimiss kita," Naiiyak niyang sambit.

"Mamimiss rin kita Apue."

Sa mga sumunod na oras ay narito na ako naglalakad sa loob ng gubat sapagkat ito lamang ang daan patungo sa kabihasnan ng Potio. Sa aking paglalakad ay nagmamasid ako sa paligid kung may nakasunod ba sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at pinakiramdaman ang paligid. Nakarinig ako ng mga kaluskos, at bago pa ito makalapit sa akin ay bumigkas na ako ng salamangka.

"ærís." sambit ko.

Agad nagsilaparan ang mga dahon sa paligid dahilan upang umalikabok ang paligid. Pagkaraan nang ilang segundo ay tumigil na ito, tumambad sa akin ang isang maliit na pusang kulay puti ngunit ang nagpapaiba rito ay may pakpak ito sa magkabilang parte ng katawan. Kapansin-pansin ang kaliitan nito. Nilapitan ko ito at kinarga. Dumiretso na ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa sentro ng Potio.

Pagkarating ko sa sentro, nadatnan ko ang mga salamangkerong nagtatawag ng mamimili sa kani-kanilang tindahan. May mga nagpapasikat ng mahika, mga nagpapalabas ng potion at iba pa. Agad naman akong nakisiksik sa karamihang mamimili. Nakarating ako sa isang tindahang may sari-saring laman. Pumasok ako sa loob nito at naghanap-hanap ng aking gagamitin upang makarating sa'king paroroonan.

Naglibot-libot ako hanggang sa nakita ko na ang aking hinahanap. Kinuha ko ito, at dumiretso sa nagtitinda nito.

"Magkano 'ho ito?" Tanong ko sa nagtitinda.

THE CONJURERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon