DUMIRETSO kami sa kinaroroonan nina Nasus at Rim. Pagkarating namin roon ay tamang-tama lamang ang dating namin kung pa'no nila tinalo ang isang lalaking nakaitim na balabal rin. Nawalan ng malay ang lalaking ito subalit 'di kalaunay nakabangon rin at dali-daling umalis patungo sa masulok na kagubatan.
Subalit hindi pala iyon ang tunay nilang nilalabanan sapagkat prenteng nakatayo mula sa isang sulok ang lalaking may marka at may hawak na baston habang nakatingin sa kanila at sa akin.
"Sabi ko naman sa iyo Rim, ikaw nalang ang lumaban sa matandang may hawak na baston na 'yan!"
"Hindi ko kakayanin Nasus, kita mo diba, kanina pa tayo nakikipaglaban sa kaniya at may humahalong iba pang mga kalaban subalit tignan mo siya, at prenteng nakatayo pa rin."
Biglang nagsalita si Siru mula sa kanilang likuran na sa aking gilid. "Ano pang silibi ng pagiging maharlika niyo kung magiging mahina lang rin naman kayo?!" ani nito.
Nabaling ang paningin ni Rim sa amin gayon din si Nasus na nanlalaki ang mata matapos makita ako at biglang lumihis ng tingin ng makitang nakatingin ako sa kaniya. Tumingin ako kay Rim ng mapansing parang nag-iba ang timpla ng itsura nito. Hindi siguro nagustuhan ang sinabi ni Siru.
Ngumisi si Rim. "Nagsalita ang hindi."
"Anong sabi mo?"
Biglang pumagitna si Nasus at Timmy sa kanilang dalawa. Unang nagsalita si Timmy.
"Hindi ito ang tamang panahon upang mag-away kayo," ani nito. "Pakalmahin niyo ang inyong mga sarili."
Nagsalita rin si Nasus.
"Hindi niyo ba nakikita? Habang nag-aaway kayo riyan, tignan niyo ang tunay na kaaway na ngayo'y nginigisian kayo, tayo."
Napatingin ako sa taong ito at tama nga si Nasus. Ngayo'y ngingiti-ngiti ito habang lumalapit sa amin habang ang isang kamay ay may hawak na baston.
"Ganiyan ba ang mga mamumuno sa susunod na henerasyon? Mga mahihina." ani nito.
"Manahimik ka tanda." saad ni Nasus.
"Batid kong mga anak kayo ng mga maharlika kaya inisip kong hindi kayo basta-basta," ani nito. Ang ngiting itsura nito ay napalitan ng pagkadismaya.
"Subalit mali pala ako...'pagkat mahihina kayo...dapat ay hindi kayo ipagmalaki ng mga magulang niyo... dahil wala kayong mga silbi."
"Sinabing manahimik ka 'eh!"
"knīfr roc."
Hindi nakapagpigil si Nasus dahil sa pagkairita at pagkapikon kaya pinaunlakan nito ang kalaban ng mga nagsisiliparang matutulis na bato na kayang tumagos sa katawan ng kalaban. Hindi na ako nagulat ng hindi man lang gumalaw ang kalaban. Mamaya-maya pa'y biglang umilaw ang kaniyang baston at may lumabas na itim na usok patungo sa mga batong ito at di kalauna'y naging abong itim.
Napatingin ito sa amin.
"Iyan lang ba ang ibubuga mo?," batid kong si Nasus ang tinutukoy nito. "Napakahinang salamangka." Hindi ko alam kung anong meron, subalit napatingin ako kay Nasus at biglang lumalaylay ang balikat nito at parang natamaan sa sinabi nito.
Agad akong nagsalita dahil hindi na tama ang pangmamaliit nito.
"Tama na ang satsat tanda," ani ko rito. Bumaling ako kina Rim, Timmy, at Siru. "Ano? Tutunganga nalang ba kayo diyan? Parang mas may utak pa sa inyo si Nasus..."
BINABASA MO ANG
THE CONJURERS (COMPLETED)
FantasySTAND ALONE STORY: [ONLY ONE FANTASY STORY THAT I WROTE] When the world surrounded by magic, what will happen? Eirah was an adopted child by an ordinary magician who's living in a small village far away from civilization, she thought her life will b...