TAGAPANGALAGA
EIRAH'S POV
SA MGA NAGDAANG araw ay marami agad akong naikuwentrong mga kakaibang pangyayari rito. Hindi ko alam pero parang tinadhana talaga na pagkarating na pagkarating ko rito sa bayan ng Roialté ay mga kaguluhan agad ang bubungad sa akin.
Mula sa unang araw ko hanggang sa ilang araw mula ng makilala ko ang mga magkakaibigang iyon, hindi ko batid noong una na lahat sila ay mga anak ng mga maharlika kung di ko pa na naririnig ang mga bulung-bulungan sa paligid. Nitong mga nagdaang araw rin ay hindi ko mapigilan ang paggamit ng mga kakaibang salamangka na itinuro sa akin ni apue dahil na rin sa kapalpakang hindi ko naman ginawa subalit pati ako ay nasasangkot.
At mas lalong hindi ko lubos maisip na makikilala ko agad ang nag-iisang anak ng hari at reyna. Noong una ko itong makita ay may nararamdaman agad akong kakaibang klase ng awra na tinataglay niya. Kung ihahambing siya sa kaniyang panlabas na katangian ay talagang hindi ko makakailang nangunguna ang kaniyang tinataglay na kakisigan at kagwapuhan subalit ang hindi ko lang gusto sa taong ito ay ang kaniyang ugali, dahil parang hindi kaaya-aya o may kagaspangan. Hindi ko pa lubos maisip na nakalaban ko pa siya kasama ang anak ng unang konseho na si Timmy sa unang pagsusulit.
Nakakamangha.
Ngayong araw ay narito kaming lahat na mga estudyanteng nakapasok sa klase ni Ginoong Hakim. Ako'y prenteng nakaupo sa akin kinalalagyan habang katabi ko naman si Nezka na tila may kinukuha sa kaniyang silid habang katabi naman nito si Reyn at Zandee na nagkukwentuhan sa isa't-isa. Ang iba naman naming kasamahan ay tahimik lang at walang kibo sapagkat siguro'y nahihiya silang mag-ingay gayong kasama nila ang mga anak ng maharlika.
Napapikit na lamang ako sa aking kinauupuan.
Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Ginoong Hakim na nakasuot ng kulay pilak na balabal na sakto at bagay sa kaniya. Nagmumukha tuloy itong isang Ginoong nag-aadya na pagsinta sa kaniyang minamahal. Napailing-iling na lamang ako sa aking mga naiisip. Napatikhim naman ang mga kalalakihan sa kabilang parte ng silid na kung saan, sina Rim, Nasus, Timmy, at Siru ay magkakatabi. Nabaling tuloy sa kanila ang atensyon ng mga babae na nasa harapan at tila parang labi nila ang kanilang mga mukha sa kapulahan.
Samantala, napadako naman ang tingin ko kay Reyn. Nakita ko itong padabog na palinga-linga ng tingin at ng magkatinginan sila ni Rim ay bigla nitong tinaasan ng kilay at pinaikutan ng mata, napangiwi lamang sa kaniya si Rim ngunit halata sa kaniya ang pag-ngiti. Napadako sa akin ang kaniyang tingin at nahihiyang yumukod dahil siguro'y numumula ito. Napangiti na lamang ako.
"Ngayong araw ay pasisimulan natin ang ating klase sa paggamit ng salamangka," banggit ni Ginoong Hakim kaya muli akong napatingin sa kaniya. Ngayon ay nakatayo ito sa harap namin at mataman kaming tinitignan isa-isa.
"At ang una nating susubukin ay ang pagpapalabas ng inyong mga tagapangalaga," dagdag pa nito. Marami sa mga kasamahan namin ang napapakamot sa kanilang noo dahil hindi nila batid ang kung anong nais sabihin at tukuyin ni Ginoong Hakim tungkol sa tagapangalaga. Isa ba itong salamangkero? Tulad namin na makakasama kahit sa saan?
"Ang tagapangalaga ay sila ang nagiging katulong natin sa lahat ng ating mga ginagawa, " sagot nito ng maunawaan ang pagtataka ng iba sa amin. "Sila ay ang inyong magiging alaga," Muling sambit nito. Napatingin ako sa kaniya. Ang kaniya bang tinutukoy ay aming mga magiging alagang nilalang? Kung ganon ay nasasabik na akong makita ito.
"scēawian ēow wardein pety."
Pagkatapos nitong magsambit ng kakaibang salamangka ay may lumabas mula sa lupa na isang bilog at mula rito ay may lumitaw na isang ibong may balute na gawa sa matigas na balat ng punong kahoy. Marami ang namangha sa ipinamalas ni Ginoong Hakim na kakaibang salamangka.
BINABASA MO ANG
THE CONJURERS (COMPLETED)
FantasySTAND ALONE STORY: [ONLY ONE FANTASY STORY THAT I WROTE] When the world surrounded by magic, what will happen? Eirah was an adopted child by an ordinary magician who's living in a small village far away from civilization, she thought her life will b...