Kabanata 16

0 1 0
                                    

MAAGANG nagising silang lahat, dahil na rin siguro sa sabik na silang umalis at magtungo patungong Armure. Naabutan ng karamihan sa kanila si Siru na nasa labas na. Nagtakang muli ang mga ito sapagkat ngayon lamang siya nauna sa paggising. Kalimitan kasi ay palagi itong nahuhuli dahil sa nasanay na ito sa buhay palasyo. Lumabas na rin mula sa kaniyang silid si Eirah, na ngayo'y bagong palit ng damit.

"A'san ka nakakita ng damit pamalit?" tanong sa kaniya ng mga kasamahan niya. Bigla pa itong napangiwi nang sabay-sabay itong nagtanong sa kaniya. Sandali pa siyang napasulyap kay Siru, subalit sa mga puno lamang nakatuon ang paningin ni Siru.

"May dala akong damit," maiksing tugon nito sa kanila. Si Reyn ang tumugon sa kaniya.

"Nakakapagtataka..." panimula nito. "Alam naming lahat tayo kahapon ay walang dala nang simulan nating maglakad... kung gayon ay a'san mo nilagay ang iyong mga damit? May sikretong lalagyan ka ba riyan?" ani nito. Binatukan naman siya ni Zandee at napahawak ito sa kaniyang ulo, sandali pang tinitigan ng matalim ang dalaga bago ibalik ang paningin kay Eirah.

"Wala na tayong panahon upang pag-usapan pa ang mga walang kwentang bagay, kailangan na nating makaalis rito bago pa tayo maabutan ng dilim sa daan." sumabat sa usapan si Siru. Natahamik ang lahat at nagtatanong sa kanilang isipan. 'Bakit parang ang init ng ulo ng lalaking ito?'

"Tama si Siru, hindi na ito mahalaga pa... ang importante sa ngayon ay ang makalabas tayo sa gubat na 'to," wika ni Eirah. Tumingin ang dalaga sa binatang si Uno. "Maaari mo bang sabihin kung saan kami pwedeng dumaan, upang makaalis agad kami rito sa gubat?"

Tumugon ang binata.

"Kapag nakababa na kayo rito, ay may makikita kayong sinag ng araw mula sa timog kanluran, sundan niyo lamang ito dahil, ang Armure ay matatagpuan sa timog kanlurang bahagi. Mag madali kayo sapagkat mapanganib kapag naabutan kayo ng dilim... may mga bandidong palakad-lakad roon, at maaaring makita kayo at madakip kung sakaling hindi pa kayo nakakarating roon."

Napatango sa kaniya ang mga ito at tila hindi maigalaw ang sarili sa kinapupwestuhan nang biglang lumapit rito si Reyn at mahigpit siyang yinakap. Si Uno. Naestatwa si Uno sa kaniyang kinalalagyan habang nakayakap pa rin sa kaniya si Reyn.

Namumula ang mukha nito dahil sa ilang, habang sa kabilang dako naman ay namumula sa galit si Rim, at tila nagbabaga ang mga mata dahil sa hindi nagustuhan ang nasaksihan na tila isang libong patalim ang kaniyang natamo matapos makita ito. Sandali pang nag-igting ang kaniyang panga matapos pakalmahin ang sarili.

"Napakabuti mo talaga," ani ni Reyn sa kaniya. Pilit na ngiti lamang ang ibinalik sa kaniya ni Uno at hindi pa ito makatingin ng maayos sa dalaga. Tumikhim si Rim dahilan upang mabaling ang paningin ni Reyn sa kaniya at irapan ito.

"Tama na yan, magmadali tayo upang makarating agad tayo sa Armure," sambit ni Siru. Agad nagsunuran sa kaniya ang mga ito at ang pinakahuli ay si Eirah. Tipid muna itong ngumiti sa binata. Kay Uno. Yinakap niya rin ito subalit maluwag lamang.

Nagpasalamat ang dalaga rito, sa pagpapatuloy nito sa kanila sa kaniyang tahanan. Ilang sandali pa bago bumaba ang dalaga. Naiwan sa itaas si Uno at nakangiting tinitigan ang mga ito.

"Ang saya siguro ng buhay na mayroon sila nuh?" biglang ani ng kaniyang kapatid na si Dos.

Napakunot ang kaniyang noo. "Bakit mo naman iyan nasabi Dos?"

THE CONJURERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon