NAPAKUNOT ANG noo ng kaniyang ama. "Bakit mo naman kailangan ang tulong ko?" ani nito sa anak. Tumingin pa ang dalaga sa mga kaibigan bago bumaling sa ama.
"Nais sana naming mailigtas ang aming kaibigang nadakip ng mga bandido..."
Napabuntong-hininga ang kaniyang ama sa sinabi nito.
"Nais ko sana kayong tulungan, subalit hindi ito pwede sapagkat hindi iyon patas para sa iba at kailangan munang magpulong naming mga konseho bago magpatupad na isang utos at kung sasang-ayunan ba ito ng hari at reyna," malumanay na ani nito.
Nalukot ang itsura ni Reyn sa isinagot ng ama ni Zandee.
Samantalang nagmaktol naman ang dalaga sa kaniyang ama. "Subalit ama, wala man lang ba kayong pwedeng gawin upang masagip ang kaibigan namin? Para sa'n pa ang pagiging konseho niyo kung wala lang naman kayong magagawa," pagkasarkastikong tugon nito sa ama.
Batid ng ama niya na ganito na talaga ang kaniyang pag-uugali kung kaya't hindi na nito pinatulan pa.
Napabuntong-hininga ang ama nito. "Isa nga akong konseho Zandee, subalit hindi ibig sabihin 'non ay hawak ko na ang kapangyarihang magpatupad at mamuno sa iba... Kailangan pa rin ng pahintulot ng iba pang konsehong kagaya ko, upang makapatupad ng utos... Patawad kung wala akong magawa anak," malungkot na ani nito.
Napasinghap sa kaniya ang anak at padabog na lumisan ng silid ng kaniyang ama. Hinabol ito ni Nasus at napabuntong-hininga naman ang kaniyang ama dahil rito. Sandali pang namayani ang katahimikan bago muling nagsalita si Nezka.
"Batid kong mayroon kayong kakayahan upang gawin ito, subalit iniisip niyo lamang ang kakahinatnan ng pangyayari," ani ng dalaga sa konseho. Nabaling ang paningin ng ama ni Zandee kay Nezka at sandali pang natigilan bago huminga ng malalim.
"Naiintindihan namin kayo... Subalit wala bang iba pang paraan? Narito naman si Siru ang anak ng hari't reyna, wala ba siyang kakayahan upang magpatupad ng isang kautusan?" dire-diretso na ani nito.
Hindi makapaniwala si Reyn sa tapang ni Nezka na magsalita sa tatay ni Zandee na isang konseho. Bihira kasi sa mga salamangkerong katulad nila ang makipag-usap sa mga konseho lalo na kung napakahaba ng iyong sasabihin. Kahit mga maharlika pa sila ay hindi ito pinapahintulutan dahil sa tinitingala ang mga konsehong ito. Naghihintay ng sagot si Nezka habang si Siru ay matamang nag-iisip rin sapagkat nabuhayan siya ng loob ng marinig ang suhestiyon ni Nezka. Sa kabilang banda tahimik lamang si Timmy at iniisip rin na sana kung malapit lamang ang kaniyang ama ay agad niya itong hihing'an ng tulong.
Hindi inaasahan ng konsehong kaharap nila ang itatanong sa kaniya ng dalaga. Namangha pa ito sa dalaga sapagkat nakikita niya ang pagiging isang magaling na salamangkero nito sa pag-iisip at pag-unawa sa kaniya.
"Walang magagawa ang mahal na Prinsipe sa ngayon sapagkat hindi pa siya ang hari natin," bagsak ang kanilang mga balikat sa isinagot sa kanila ng konseho. Mukhang wala ng pag-asang maiiligtas nila ang kanilang kaibigan.
"Subalit may magagawa ako upang matulungan kayo," tila nagliwanag ang kanilang mga itsura at nabuhayan ng loob ng marinig ang sinabi ng konseho.
"Sa ngayo'y magpahinga muna kayo at may inihanda akong sari-sariling silid para sa inyong lahat." napatango ang mga ito sa konsehong kausap nila bago lumabas ng silid.
Naisip ng konseho ang kaniyang anak na si Zandee. Napabuntong-hiningang muli ito.
ISANG DALAGA ANG patuloy pa rin sa pagtakbo sa daan palayo sa kinaroroonan ng kaniyang ama. Hindi nito batid na may sumusunod sa kaniyang binata na nag-aalala rin para sa kaniya at sa kaibigang gusto nilang iligtas. Nakaabot ang dalaga sa dati nitong pinupuntahan kung saan ang tahimik na paligid at ganda ng tubig ang nagpapakalma sa kaniya. Hindi nito mabatid kung paano siya nakarating rito dahil sa okupado ang kaniyang isipan, kung paano sasagipin ang kaibigan niyang napamahal na rin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
THE CONJURERS (COMPLETED)
FantasiSTAND ALONE STORY: [ONLY ONE FANTASY STORY THAT I WROTE] When the world surrounded by magic, what will happen? Eirah was an adopted child by an ordinary magician who's living in a small village far away from civilization, she thought her life will b...