Kabanata 5

1 2 0
                                    

PAGTATAKA

NASUS POV

HINDI ko alam kung papaano ngunit ang tanging alam ko lang ay kahanga-hanga. Napakalakas at sobrang kakaiba. Tumingin ako sa babaeng nagtataglay nito. Natulala ako sa kaniya at sa kaniyang mga katangian. Alam kong kakaiba siya subalit hindi ko maisip na mas nakakahigit pa siya kesa sa tulad naming mga anak ng konseho.

Nabaling ang paningin ko sa aking mga kasamahan, gaya ko ay bakas sa kanilang mga mukha ang hindi makapaniwala sa nangyari. Lahat kaming naririto ay anak ng mga hinahangaang konseho at he'to kami ngayon napahanga ng isang hamak na salamangkero lamang.

Ngayon ay napagtutuunan ko na ng pansin si Eirah sapagkat nitong mga nagdaang araw ay binalewala ko lamang ito dahil ang akala ko'y isang hamak na ordinaryong salamangkero lamang siya, mas inisip ko na nakakahigit kami sa katulad niya at hindi pantay ang aming estado sa buhay.

Ngunit nagkamali ako.

Nagkamali ako sa aking mga sinabi. Nagkamali ako sa aking mga tinuran. At higit sa lahat, mas mali ako sa pagtrato sa kaniya ng ganon.

"A-Anong n-nangyari?" Hindi makapaniwalang sambit ni Reyn. " N-Nawakasan mo ang buhawing iyon na hindi man lang namin n-nagawa?" Dagdag pa nito.

Hindi ito makapaniwala sa nasaksihan at mas lalong hindi makapaniwala sapagkat para sa babaeng katulad ni Eirah ay isang simpleng salamangka lamang iyon.

"P-Pero p-paano?" Muling sambit nito habang hindi pa rin makapaniwala. Tumingin naman ako kay Rim, bakas sa mukha nito na hindi rin siya makapaniwala ngunit kumpara kay Reyn ay nanatili lamang itong kalmado. Bumaling naman ako kay Nezka, mataman lamang ito nakayuko, subalit bakas rin sa mukha nito ang pagkunot ng noo at pag-iisip ng malalim. Tumikhim si Eirah. Nabaling tuloy ang paningin ko sa kaniya pati na rin ang mga kasamahan ko.

"Isang karaniwang salamangka lamang iyon." Marahang tugon nito. Bakas sa boses nito ang pagiging kalmado at natural na pananalita. Hindi ito kabado at halata sa kaniyang pananalita na hindi man lang ito nagsisinungaling. Teka, anong sinabi niya? Isang karaniwang salamangka lamang iyon? Isang karaniwang salamangka subalit hindi namin alam? Kaming mga anak ng konseho? Nabaling ang tingin ko sa kaniya. Seryoso ba siya?

Muling naghari ang katahimikan sa aming lima. Ngayon ko lang napansin na walang ng mga estudyante ang naglalakad kung saan-saan. Siguro'y nagtungo na sa kani-kanilang silid. Dahil sa katahimikan ay lumingon na lamang ako sa pinanggalingan ng gulo. Bakas sa itsura nito ang natamong pinsala dahil sa kaguluhan.

Bumaling ako sa mga kasamahan ko.

"Paano natin ito ipapaliwanag sa mga guro at sa konseho?" Nakakunot-noo kong tanong.

Agad namang nakuha ang kanilang atensyon sa sinabi ko. Napatingin ako kay Reyn dahil alam kong siya ang ugat nito. Bakas sa itsura nito ang kaba at takot na baka malaman ng kaniyang ama ang kaniyang nagawang pinsala sa loob ng Akademya.

Napayuko na lamang ito.

Ganoon din ako.

"Wala na tayong magagawa kundi ang isuplong ang totoong nangyari rito," Biglang sambit ni Nezka. "Sapagkat marami ang nakasaksi sa nangyari," Dagdag pa nito. Biglang nitong iniangat ang tingin. "At kasama ka na roon Rim."

Napayuko ang binata dahil sa pagbanggit ng kanyang ngalan sa kung sino ang nagpasimuno nito.

Biglang may napabuntong-hininga.

Lahat kami ay inaangat ang tingin sa kaniya. Marahan siyang tumitig sa bawat isa sa amin bago itunuon ang paningin sa pinsalang nadulot ng buhawi.

"Ipagpasalamat nyo na lamang na mabait akong salamangkero." Sagot nito. Huminga ito ng malalim bago pumikit at bumigkas ng salamangka.

THE CONJURERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon