ESPIYA
SIRU'S POV
Sino ka ba talaga?
MULI NA NAMANG akong napatingin sa kaniya ng unti-unti itong lumalapit na sa kaniya. Nakakatakot talaga ang kaniyang itsura, parang kahit na anong sandali ay pwedeng ka nitong gawing pagkain at nguyain. Nakakadiri.
"Ginoo may mabangis na nilalang ang nakapasok..."
"Ginoo gumawa kayo ng paraan baka kainin tayo n'yan..."
"Ginoo anong ginagawa ng isang Cattus rito sa loob ng silid natin?..."
Sari-saring komento ang kanilang pilit na ipinahihiwatig kay Ginoong Hakim sa kagustuhang mapaalis ang nilalang na iyan na nagdudulot sa kanila ng kaba. Samantalang si Ginoong Hakim na naman ay parang wala man lang kabahid-bahid ng kaba at takot sa kaniya.
"Iyan ang sinasabi ko sa iyong nakita ko sa aming silid subalit hindi pa ganiyan kalaki," litanya ni Nasus habang kausap si Rim. "Noong una'y takot na takot talaga ako sapagkat 'yun ang kauna-unahan kong makakita ng isang Cattus."
"Buti hindi kayo kinain ng nilalang na iyan," sambit sa kanya ni Rim habang kanilang pinagmamasadan ang nilalang na ito.
"Akala ko nga mapapahamak na kami... subalit ang nilalang na iyan ay napakaamo pagdating kay Eirah, para siyang isang munting alaga sa isang tahanan." paliwanag nito.
"Ferin lumapit ka rito sa akin," nabaling ang paningin ko sa babaeng nagmamay-ari ng pambihirang nilalang na ito ng kaniya itong tawagin. Agad lumapit sa kaniya ang kaniyang alaga at kaniyang hinimas-himas ang katawan nito.
"Ang bilis mo lumaki Ferin, kahapon ay tila isang paslit ka lamang subalit ngayon ay mas malaki ka pa sa amin." Pag-uusap nito sa alaga. Pagkatapos noon ay agad naman nitong inutusang lumisan at walang kaano'y-anoy ay nautusan nya agad ito. Pambihirang kagalingan.
"Ngayon ay nasaksihan natin ang iilan sa inyong mga inilabas na alaga. Bago ako umalis ay nais kong ipabatid sa inyo na iiwanan ko kayo ng isang gawain... Kailangan n'yong pumunta sa Potio upang maghanap ng mga bagay na pwedeng gamitin upang gumawa ng isang potion." Sabi ni Ginoong Hakim bago nito lisanin ang aming silid.
Marami sa mga kaklase namin ang dapat na mag-aalisan sana kaso mayroong hindi inaasahang pangyayari.
"Mukhang may bagong salta rito na nagpapasikat sa karamihan," heto nanaman at magsisimula na naman ng away si Victoria. "Akala mo kung sino, porket nahangaan lang ng iilan ay napakayabang na." dagdag pa nito habang tinititigan si Eirah. Samantalang si Eirah nama'y pawang hindi man lamang nakaramdam na siya pala ang pinagsasabihan nito sapagkat may kinukuha pa rin ito sa kaniyang sisidlan.
"Nakikinig ka ba bagong salta?!" Biglang bulyaw sa kaniya ni Victoria kaya't napatigil siya sa kaniyang ginagawa at takang napatingin sa amin sapagkat karamihan rito sa loob ang silid ay pawang nakatingin sa kanila. Nakakunot tuloy ang kaniyang noo.
"A-ako?" Walang kaalam-alam nitong tugon.
"Oo ikaw at wala ng iba," maangas na pagkakasabi ni Victoria sa kaniya.
"Ano bang ginawa ko?"
"Hindi ba't nagpapansin ka sa karamihan upang magpasikat bagong salta."
BINABASA MO ANG
THE CONJURERS (COMPLETED)
FantasySTAND ALONE STORY: [ONLY ONE FANTASY STORY THAT I WROTE] When the world surrounded by magic, what will happen? Eirah was an adopted child by an ordinary magician who's living in a small village far away from civilization, she thought her life will b...