THE CONJURERS - PROLOGUE
Kadiliman... Kadiliman... Kadiliman...
Iyan ang bumungad sa akin matapos kong maikusot ang aking mata matapos kong magkaroon ng malay, hindi pa ako nakakabawi ng aking lakas subalit malinaw na sa aking paningin ang aking mga nakikita.
At puro KADILIMAN lamang ang narito.
Nasaan nga ba ako? Anong lugar ito? Nasaan ang buwan na nagbibigay ilaw sa lugar na napapalibutan ng kadiliman? At bakit ako narito? Napahawak ako sa aking sarili. Sari-saring mga katanungan ang pilit sumisiksik sa isipan ko. Saka ko lamang napagtanto ang lahat. At ang unang tanong sa isip ko ay...
Sino ako?
Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga at naglakad kahit walang makita. Bawat batong madaanan ko ay napapatisod ako at nagkakaroon ng sugat ang aking mga tuhod dahilan upang mapadaing ako dahil sa sakit.
Umabot ng ilang oras bago ko nakita ang mga nagkikinangang bituin sa kalangitan. Napahinga ako ng maluwag at parang may kung ano sa akin ang natutuwa 'pagkat nakaalis ako roon ng ligtas. Ilang mga sandali pa bago ko mapagdesisyunang maglakad. Naglakad ako ng naglakad habang iniinda ang kalam ng sikmura.
Hindi ko batid ko saan ako nakaabot subalit nakakita ako ng isang punong may bunga. Agad ko itong nilapitan at nagulat ako ng makitang may isang usa roon. Hindi naman ito natakot sa aking presensya bagkus para itong isang kagaya ko na kahit pumitas man ako ng prutas, ay walang pakialam ito.
Ilang mga sandali pa bago ko naubos ito at lumakad paalis, subalit nakakailang hakbang palang ako ay biglang may kumaluskos sa paligid. Napatigil ako rito at nilibot ang aking paningin. Hindi ko alam kung anong meron sa akin subalit, parang naging matalas ang aking pag-iisip.
Hindi kalaunay may lumabas na isang tigre, subalit kakaiba ang tigre na ito sapagkat kulay itim ang kaniyang kulay at kumikinang sa pula ang mata na animo'y nanlilisik at takam na takam.
Hindi nakaligtas sa aking paningin kung paano nito kainin ang usang walang pakialam kanina sa paligid, na ngayo'y nagkakandarapang makatakbo agad. Subalit agad itong nasakmal ng tigre, at pinangngangagat ang katawan hanggang sa magutay-gutay ito, at buto nalang ang matira.
Napalunok ako dahil rito.
Biglang bumalatay ang kaba at takot sa akin.
Nanginginig ang aking mga tuhod habang unti-unting umaatras. Napasandal ako sa isang puno. Hindi man lang ako kumurap dahil binabantayan ko ang bawat galaw ng tigreng ito at baka bigla na lamang ako nitong sakmalin.Ang mga ngipin nito na kasing talim ng mga sandata ang nagbibigay sa akin ng kilabot lalo na ang kaniyang itsura na animo'y galit na galit sa katulad ko. Unti-unti itong lumapit sa akin habang tumutulo ang kaniyang laway sa kaniyang bunganga.
Napapikit na lamang ako dahil hindi ko kayang makitang patayin ako nito. Tumagal ng ilang segundo bago ko maimulat ang aking mata ng mapagtantong walang tigre ang sumakmal sa akin.
Nakita ko itong duguan at walang malay sa aking harapan. Inangat ko ang aking paningin at nakita ang isang matandang lalaki na may hawak na espada subalit kakaiba ito dahil naglalagablab ito sa apoy. Nanatili akong tahimik at hindi alam ang sasabihin ko 'pagkat wala akong kahit na anong alam.
BINABASA MO ANG
THE CONJURERS (COMPLETED)
FantasíaSTAND ALONE STORY: [ONLY ONE FANTASY STORY THAT I WROTE] When the world surrounded by magic, what will happen? Eirah was an adopted child by an ordinary magician who's living in a small village far away from civilization, she thought her life will b...