Kabanata 19

0 0 0
                                    

KABANATA LABING-SIYAM

"Sabihin mo nga sa akin, bakit kailangan mo pa akong dakpin? Gayong pwede mo namang ipaliwanag sa akin ng maayos upang matulungan kita ng hindi labag sa loob ko," sandali pang napaawang ang bibig niya sa'king nasabi. Hindi siguro alintana nito na hindi ko siya gustong tulungan.

"Hindi ba sabi ko sa'yo, kahit anong gawin mo wala kang magagaw—"

Hindi ko pinatapos ang kaniyang nais na sabihin.
"Ngunit dahil sa nakokonsensya rin ako kung hindi ko kayo tutulungan kaya naman nagbago na ang isip ko." napahinga ako ng malalim bago marahang muling tumingin sa kaniya.

'Parang ako pa kasi ang madedehado.'

"Bakit nga ba hindi mo sinabi sa akin? Sa amin? Nang matulungan ka naming lahat at hindi na kailangan pang may masugatan sa amin."

Napabuntong-hininga ito. "Isa sa mga sinabi mo ang dahilan kung ba't dinakip kita kesa sa sabihin ko sa inyong lahat," napatingala ito sa asul na kalangitan. Kasulukuyan kaming naglalakad patungo sa kanilang tinutuluyan. "Ayaw kong ipabatid sa mga maharlika na kailangan ko ng tulong mo," napalingon ako sa kaniya.

Napakunot ang noo ko. "Bakit?"

Muling napahinga ito ng malalim. "Dahil sino ba naman ako para humingi ng tulong sa kanila?" natigilan ako sa sinabi niya. Parang may kung ano sa lalamunan ko ang bumara. "Isang hamak na salamangkero lamang ako at mas lalong hindi nila ako tutulungan kung sakaling malaman nila na ang kanilang tinutulungan ay ang itinuturing nilang mga bandido. Hindi ako makapagsalita. Tama naman ang kaniyang inusal, sino nga ba ang tutulong sa salamangkerong inakala mong kalaban? Kailan pa nagtulungan ang dalawang magkaaway?

Muli akong tumingin sa kaniya at napapikit. "Gano'n ba ang pagkakakilala mo sa kanila?" usal ko. "Sapagkat hindi ganon ang nakikita ko sa kanila!"

"Nasasabi mo lamang iyan dahil sa napalapit ka na rin sa kanila."

"Tama ka! Napalapit na nga ako sa kanila, kung kaya't mas batid ko ang kanilang mga pag-uugali." napaiwas itong ng paningin at tanging pag-ismid lamang ang kaniyang iginanti. "Sa palagay mo'y may magagawa sila? Tsk! Kagaya lang rin sila ng kanilang mga magulang! Walang nagawa upang tulungan kami. Hinayaan kaming sakupin at pasakitan ng mga hindi natutukoy na kalaban. Wala silang ginawa kung hindi ang panoorin kaming nakikipagtagisan ng mga patalim, nagbubuwis ng buhay, nagsasakripisyo para sa mga mahal namin," natigilan ako.

Nagsalita pang muli ito.

"Pero sila! Sila na mga maharlika! Sila na mas may kapangyarihan, may kakayahang talunin ang mga iyon, sila na tinitingala ng lahat ay walang ginawa upang matulungan man lang kami. Habang kami'y nakikipaglaban para sa aming mga buhay, sila nama'y nagpapakasasa sa palasyo at tinatamasa ang pagiging tanyag na mga salamangkero." tumulo ang kaniyang luha. "H-hindi man lang kami binigyan ng pagkakataon upang matulungan..."

Hindi ako makapagsalita.

"M-Mga wala silang silbi..." hindi ako makaimik. Sa tuwing magbubukas ako ng panibagong usapin ay laging nauuwi sa pagsisisi niya sa mga maharlika. Pilit ko siyang inintindi kahit na alam kong mali pa rin iyon. Ninanamnam ko ang katahimikan namin hanggang sa siya ang unang bumawi.

"Halika na, huwag mo nalang intindihin ang aking mga nasabi. Kailan man man ay hindi mawawala sa isip ko ang kanilang ginawang pagpapabaya sa amin."

THE CONJURERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon