Kabanata 17

0 1 0
                                    

"Spina leef."

NAGULAT AKO NANG may biglang dumaang isang patalim na dahon sa gilid lamang ng aking pisngi. Napalingon ako nang marinig ang pagdaing ng isang bandido. Tumama ito sa kaniyang kaliwang dibdib dahilan upang matumba ito sa lupa. Tumingin ako kay Zandee dahil alam kong siya ang may kagagawan nito.

Tumingin ito sa akin.

"Tama ang pagdadrama, hindi ka maliligtas nito." aniya niya.

Bumalik ito sa pakikipaglaban. Nagsimula na rin akong magtungo sa kinapupwestuhan nila. Habang naglalakad ako ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Nanindig ang balahibo ko ng maramdaman ko ang pagdampi nito sa'king katawan.

Nagpalinga-linga ako at hinahanap ang may kagagawan nito. Hindi sa malayo ay may nakita akong isang pigura. Akmang susundan ko ito ng biglang may sumugod sa akin na isang bandido.

Lumikha ako ng isang pana mula sa aking palaso. Pumikit at inisip ko na may lumabas na isang nagbabagang palaso at pagmulat ko ay nakaasinta na ito sa bandido. Pinakawalan ko ito habang lumilipad sa ere. Natumba ito sa kinalalagyan ng tumarak ang pana sa kaniyang ulo. Muli akong lumingon sa parte ng gubat kung saan may nakita akong isang pigura. Pagbaling ko roon ay tanging mga puno na lamang ang narito. Napabalikwas ako at napagulong sa kaliwang direksyon nang maramdaman ang panang nangagaling sa aking likuran. Tumama ito sa aking kinapupwestuhan matapos kung umalis roon.

Agad akong bumangon at inasinta ang aking pana patungo sa kinaroroonan ng bandidong nagpakawala ng palaso sa akin. Tumama ito sa kaniyang tiyan kung kaya't napaluhod ito dahil sa sakit at kirot.

"Arghh..."

Napatakbo ako sa kinaroroonan ni Reyn nang biglang matamaan ito ng espada sa binti. Maraming mga bandido ang nakapalibot sa kaniya. Ginawa kong espada ang aking pana at agad silang sinugod.


"Bodina."




Tumalsik ang iba sa mga ito ngunit agad ding nakabawi ang iilan sa kanila at mabilis na bumangon. Nanlilisik ang kanilang mga matang sumugod sa akin. Sinangga ko ang bawat espadang nakikipagtagisan sa espadang hawak ko. Agad rin naman akong nagbabago ng aking galaw dahil sa iniiwasan ko ang bawat panang nakatutok sa akin. Hinahablot ko ang bawat bandidong malapit sa akin at ginagawang panangga sa mga palaso dahilan upang ang mga ito ang matamaan ng mga palaso.

Lumapit ako sa kinaroroonan ni Reyn at mabilis siyang inakay sa isang ligtas na parte ng gubat matapos kong mapatumba ang lahat ng mga bandidong nakalaban ko. Dinala ko ito sa isang tagong puno, kung saan pwede itong makapahinga.

Pinaupo ko ito sa ugat ng puno at sinuri ang kaniyangkatawan. Agad kong napansin ang paghawak niya sa kaniyang binti dahil sa pagkirot nito. Isang hiwa mula sa espada ang sumugat rito. Napahinga ako ng malalim bago ginamot ang kaniyang sugat.



"Heilen."


Tuluyan ng nawala at gumaling ang kaniyang natamong sugat. Hindi nito napansin ang paggaling nito sapagkat nakapikit ito. Batid kong kahit papaano ay umayos na rin ang kalagayan nito. Hindi ako masyadpng gumamit ng salamangka sa pakikipaglaban sapagkat madaling makagpaubos ito ng lakas ko gaya ng nangyari kay Reyn. Masyado nitong ginamit ang kaniyang salamangka dahilan upang madali rin siyang manghina.

THE CONJURERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon