Kabanata 3

3 2 0
                                    

KALITUHAN

ZANDEE'S POV

"LUMAYAS KAYO SA HARAPAN KO!"

Iyan ang bumungad sa'kin pagkarating na pagkarating ko pa lamang sa silid ni ama. Agad naglabasan ang mga kawal na sa loob nito at gulat na tumingin sa'kin. Yumuko lamang sila bilang sinyales ng paggalang. Dumiretso ako sa kinaroroonan ni Ama.

"Ang aga-aga ang init ng ulo niyo ama." Panimula ko.

Nabaling ang paningin niya sa'kin at napabuntong-hininga. "May ipinag-uutos lamang ako sa kanila na di nila nasunod." Wika nito.

"At ano naman iyon?"

"Hindi mo na dapat pang malaman sapagkat sa konseho lamang ito ipinagpapaalam." Sagot nito.

Tumahimik na lamang ako sinyales na nauunawaan ko, ngunit sa kaloob-looban ko ay napaismid na ako sa kaniyang kasagutan .

"Maiba ako," Biglang sambit nito. Napatingin ako sa kaniya. "Pumunta ka na ba sa Roialté upang magparehistro sa eskwelahan?" Tanong nito sa'kin.

Inirapan ko siya. "Sa palagay mo ama, nakapagparehistro na ba ako kung lagi mo akong nakikita rito?" Pabalang kong sagot.

"Ang mga salita mo." Pangangaral niya sa'kin sa malalim na boses.

Tumayo ako at naglakad paalis na walang paabiso at paglingon.

Ng walang galang.

Kasulukuyan akong narito ngayon sa Armure upang bisitahin si Ama. Hindi ito dumalo sa pagpupulong ngayon ng konseho sa Sentroí sa kadahilanang mas pinagtutuunan nitong pansin ang ipinapagawa niyang gawain sa kaniyang mga kawal. Makailang araw na rin mula nang umalis ako sa Roialté, kung saan ang aming tahanan ay matatagpuan kaya hindi ko pa alam kung ano na ang mga kaganapan roon.

Natagpuan ko ang aking sarili na palakad-lakad sa labas at hindi alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Hindi ko alam kung nasaan na ako, ngunit nakarating ako sa isang batis na may malakas na tubig na umaagos at sobrang linaw at linis. Naupo ako sa may tabing bato kung saan abot ko ang tubig na patuloy lamang sa pag-agos.

"flēoge leef." sambit ko.

Nagsiliparan ang mga dahon sa paligid mula sa kanilang mga puno at tila sumasayaw at sumasabay sa hangin. Lumikha ito ng isang balsa na gawa sa dahon. Makapal ito dahil sa dami ng pinagdikit-dikit na mga dahon. Sumakay ako rito at nanatili sa gitna ng batis. Dinama ko ang tahimik at ganda ng paligid. Sana ganito na lamang parati ang buhay, wala ng iniisip at pinoproblema.

Ipinikit ko ang aking mata at pinapakinggan ang huni ng mga ibon at ingay ng tubig dahil sa pag-agos nito. Ang tahimik, nakakamangha, nakakaaliw, nakakatuwa. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako nang may narinig akong mga kaluskos.

Agad akong nagmulat.

Nagpalinga-linga sa paligid upang magmasid at alamin kung ano ang pinanggalingan ng mga kaluskos na iyon. "Sino yan?" Pasigaw kong tanong.

Tumayo agad ako at umalis sa balsa upang maglakad sa lupa at pakinggan ang pinanggagalingan ng kaluskos. Pumikit ako at dinama ang taglay na tahimik ng paligid, subalit naulit na naman ang kaluskos na iyon. Sa pagkakataong ito ay di na ako nag-dalawang isip pang sumigaw.

"Sino yan? Magpakita ka kung sino ka man!" Palinga-lingang sambit ko habang hindi mapakali ang aking mga mata kung saan titingin.

"Hindi ka talaga magpapakita?" Lakas loob kong sambit kahit kinakabahan na ako. Ngunit walang tugon akong narinig. Dahil sa kaba ay naisipan kong bumigkas ng salamangka.

THE CONJURERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon